Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel totoong tumaba (sanhi ng iniinom na gamot)

“NOW ko lang din nakita ‘tong viral photos ni Angel (Locsin), grabe naman ang mga basher. Hindi nila alam kung gaano ang hirap ni Angel?” ito ang pahayag ng taong malapit sa aktres na mas mabuting hindi ko na banggitin ang pangalan.

Ang nabanggit na mga larawan ay ang behind scene photos ni Angel para sa programa niyang Iba ‘Yan na kinunan sa Quezon para sa Father’s Day presentation nila na ipinalabas nitong Linggo, Hunyo 21.

Ang hindi alam ng tao na may mga nararamdaman na ang dalaga pero dahil sa pagtulong ay deadma siya dahil mas masaya ang pakiramdam niya kapag nakagagawa  ng mabuti sa kapwa.

Tinanong namin kung anong sakit ni Angel at totoo ba ang mga larawang kumalat o resulta ito ng photoshop.

“The usual,‘yung back pain niya, hindi naman nawawala pa ‘yun, kaya nga pinag-iingat kaso larga pa rin ng larga, sabi naman niya kaya niya. Pagdating sa pagtulong hindi mo mapipigilan si Angel. Kaya kahit may nararamdaman na ‘yan go lang ng go,” paliwanag sa amin.

Hindi naman binanggit kung ang iniinom na gamot ng aktres para sa back pain ang isa sa dahilan kung bakit may pagbabago sa katawan niya.

“Hindi ko alam, eh, wala namang nababanggit,” sabi pa.

Pero kahit na bina-bash si Angel ay mas maraming netizens ang nagtatanggol sa kanya dahil wala silang pakialam kung ano ang hitsura ngayon ng dalaga dahil para sa kanila, real life Darna ang aktres na laging handang tumulong.

Marami ring nagtatanong sa amin kung may planong tumakbo si Angel sa 2022 at tiyak na panalo at maraming susuporta. Pero sad to say, paulit-ulit na sinasabi ng dalaga na wala siyang kaplano-planong pasukin ang politika.

Ang laging katwiran ni Angel kung bakit malapit siya sa mga taong mahihirap at nangangailangan ng tulong.

“Lumaki po akong mahirap, naranasan ko kung ano ang nararanasan nila kaya nangako ako sa sarili ko na kapag nakaluwag ako ay ibabahagi ko sa kanila kung anong makakayanan ko,” ito parati ang sabi ni ‘Gel sa amin at sa mga panayam niya.

Natawang inamin na rin ng aktres na minsan ay pinagsabihan na siya ng pamilya niya na hinay-hinay siya sa pagtulong dahil said na rin ang kanyang ipon, paano kung siya naman ang nangailangan na tama rin naman.

‘Yan si Angel Locsin, Iba ‘Yan, eh.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …