Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrei Yllana

Andrei nahulog, nabalian  

SOBRANG nag-alala si Aiko Melendez sa panganay niyang si Andrei Yllana dahil nabaliwan ng buto nitong weekend sanhi ng pagkakahulog sa hagdanan.

Kuwento ni Aiko sa amin kahapon, “nagte-text po kasi, hindi namalayan ‘yung isang steps, hayun nahulog, natakot ako, siyempre. Kaya hayan naka-cast siya for a month.”

Hirap kumilos ang binata dahil kanang kamay ang nadale, “oo kaya hirap siyang kumilos, pati sa pagda-drive hirap, pero hindi ko siyempre hahayaan.”

Binati kasi namin si Aiko kahapon ng Happy Father’s Day dahil naging ama’t ina siya sa dalawang anak niyang sina Andrei at Marthena Jickain at nabanggit nga niya na nahulog ang anak.

Nagpadala ng steak si Andrei bilang father’s day gift sa papa niyang si Jomari Yllana at pinag-grab dahil nga hindi siya makapagmaneho para personal sanang iabot sa ama.

Sabi namin na ang sweet ni Andrei sa tatay niya, “oo ate, mahal na mahal ni Andrei ang tatay niya.”

Nakatatawang tsika pa ni Aiko, “hindi makasulat si Andrei kasi nga right hand ang bali, ako pinasusulat ng letter, sabi ko, ‘ikaw na, alam ng tatay mo ang sulat ko, ha, ha, ha.’”

Wala namang ipinadala ang bunsong si Marthena sa amang si Martin Jickain dahil nasa Boracay siya kasama ang pamilya pero binati naman ng bagets ang ama.

Anyway, wala pa ring balita si Aiko kung kailan ang balik-taping nila ng Prima donnas sa GMA, “sabi July, eh, wala pa naman akong natatanggap na call slip o balita. Kaya nganga muna ako, ate ha, ha, ha, enjoyin ko lang ‘tong Gadgets All in One.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …