Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
kidlat patay Lightning dead

Tokayo ng KMP leader nangisay sa kidlat, buhawi nanalasa sa Nueva Ecija

BINAWIAN ng buhay ang isang 48-anyos magsasakang kapangalan ng lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) nang tamaan ng kidlat habang nasa kaniyang sakahan sa bayan ng Talugtug, sa lalawigan ng Nueva Ecija, noong Lunes ng hapon, 15 Hunyo.

 

Kinilala ni P/MSgt. Ryan Reglos, imbestigador ng Talugtug police, ang biktimang si Danilo Ramos, residente sa Barangay Nangabulan, na nabatid na nagtatanim ng palay nang biglang mawalan ng malay dakong 1:00 pm.

 

Dinala si Ramos sa municipal rural health unit clinic ngunit idineklarang patay na.

 

Samantala sa lungsod ng Palayan, dinaanan ng isang buhawi ang isang barangay bago bumagsak ang malakas na ulan dakong 5:40 pm noong araw na iyon. Walang naiulat na sinumang nasaktan sa insidente.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …