HINAMON ng isang kongresista ang Department of Health (DOH) na maglabas ng ‘tunay na datos’ at kalagayan sa mga kaso ng COVID-19 upang matugunan ang pagkukulang sa testing at magkaroon ng tunay na pananaw sa kalagayan ng pandemya sa bansa.
Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, kailangan ang tunay na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa pagdedesisyon ng mga kinauukulan patungkol sa mga hakbang na nararapat gawin.
“The government cannot claim that the curve is being flattened without seeing the actual picture and tackling the backlog in validating COVID-19 cases,” ayon kay House Deputy Majority Leader Herrera.
Base sa website ng DOH, may 26,420 kompirmadong kaso g COVID-19 sa bansa noong 15 Hunyo.
Ayon kay Herrera hindi nag-update ang DOH ng datos na may kaugnayan sa cumulative positive cases pero noong 13 Hunyo ang mga positibong nakalista sa mga testing centers ay umabot na sa 32,728.
Ang ibig sabihin nito may 6000 pang hindi kompirmado kung may sakit o wala.
Ani Herrera, kailangang gumawa ng hakbang ang DOH upang tugunan ang pagkukulang sa pagbilang ng mga kompirmadong mga kaso ng COVID-19.
“Timely assessment and validation of data is instrumental in the formulation of policies by the national and local government,” ani Herrera.
“There is no way the DOH can provide us a more accurate data on the number of COVID-19 cases in the country if it will not immediately address the gap of confirmed cases versus positive individuals listed by testing centers,” paliwanag niya.
Ayon sa DOH, ang pagkakaiba ng mga datos tungkol sa mga kaso ng COVID-19 ay sanhi ng matagal na proseso ng case verification at validation.
Ang pagkaantala umano ay sanhi rin ng pagdami ng testing capacity na nagparami sa mga kasong dapat i-validate.
Sinabi ng Kongresista, hindi lamang ang testing ang dapat pagtuunan ng pansin ng DOH kundi ang “processing and confirmation of results.”
“The 5 days lag time in confirmed tests could mean hundreds or even thousands of additional cases exist more than are being reported,” giit ni Herrera. (GERRY BALDO)