MAHILIG tayong mga Pinoy na pangalanan ang ating mga supling ng mga pangalang kakaiba at hindi pangkaraniwan dahil kadalasan ay tanda ito ng pagmamahal natin sa ating anak — madalas, hango ito sa mga bagay o pangyayaring naging uso nang panahong isinilang ang ating mahal na supling.
Noong 1994, halimbawa, isang henerasyon ang nagbigay ng pangalang Sushmita Sen sa kanilang mga anak na babae, dahil ito ang pangalan ng Miss India na nagwagi ng patimpalak ng Miss Universe. At ngayong lumalaganap ang coronavirus sa buong mundo, hindi nakapagtataka na may papangalanang sanggol mula sa sakit na COVID-19.
Ngunit hindi lang ganito ang napag-alaman nating kakaiba sa mga Pinoy.
Ngayon ay kilalanin n’yo ang 17-anyos na kambal na sina Jollibee at McDonald ‘Mcdo’ Pangindian, na pinangalanan (obviously) sa dalawang sikat na fastfood restaurant.
Ayon kay Mcdo, nais ng kanyang mga magulang ang bagay na hindi basta malilimutan — at tama naman sila sa pagpangalan sa magkapatid.
“I asked them why they named us McDonald and Jollibee. My mother said it was my father who thought of our names after reading the book Art of Remembering Names. He chose the name because it’s unique and easy to remember. When people hear our names, they become really happy. And it’s easier for us to make a conversation with them,” wika ng incoming college freshman.
Sa kabilang dako, ayon naman sa kanyang kapatid na naunang isilang sa kanya, naging madali ang buhay para sa kanila dahil sa kanilang mga pangalan.
“We’ve never been bullied because of our names even when we were kids. It even helped us gain more friends,” ani Jollibee.
Sang-ayon dito sa McDo. “From elementary to senior high school, we saw people light up when they learn about our names. The teachers immediately know who we are even during the first day of school,” punto ng binata.
“People would be shocked when our names are announced in public, like that time when we became table tennis champions. The audience was so surprised when our names were called,” dagdag ng kambal.
Naghahanda ngayon ang dalawa para pumasok sa kolehiyo, subalit nag-iisip din sila na kumuha ng part-time job para makatulong sa kanilang mga magulang.
At saan naman kaya sila mag-a-apply ng trabaho? E ‘di saan pa kung hindi sa Jollibee at McDonald’s!
Kinalap ni Tracy Cabrera