Saturday , November 16 2024

Marinerang Pinay nagpatiwakal sa loob ng cabin (Habang naghihintay ng repatriation flight)

KINOMPIRMA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na isang Filipina seafarer ang nagpakamatay habang naghihintay ng repatriation flight.

Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Locsin na isang 28-anyos marinera ang nagkitil ng sariling buhas sa kanyang cabin habang stranded sa barko.

Sinasabing hindi nakauwi agad sa Filipinas ang Pinay crew member dahil sa suspensiyon ng gobyerno sa pagpapabalik ng mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa.

Bunsod ang suspensiyon ng umano’y siksikan na quarantine facilities ng gobyerno matapos ang magkakasabay na pag-uwi ng libo-libong OFWs na naapektohan ng pandemyang COVID-19.

Kinilala ni Locsin ang OFW na si Mariah Jocson, crew member ng Harmony of the Seas, kung saan nakadetine ang crew members habang hinihintay ang kanilang pagbabalik sa bansa.

Nakahimpil ang Harmony of the Seas sa Bridgetown Port sa Barbados.

Ang pagpapatiwakal ni Jocson ay iniulat na ikalawa sa hanay ng OFWs sa panahon ng pandemya. Ang una ay isang OFW sa Lebanon nitong nakaraang buwan ng Mayo.

“We are tartly reminded that Filipino resilience is no excuse to stretch them to breaking point. ‘Di sila goma, tao sila,” malungkot na pahayag ni Locsin.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *