Thursday , December 26 2024

Korupsiyon sa DPWH project, isinumbong kay Duterte

ISINUMBONG kay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y korupsiyong nagaganap sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bansa.

Sa dalawang pahinang liham na ipinadala sa Office of the President sa Malacañan Palace sa JP Laurel St., San Miguel, Maynila, inakusahan ng isang Marilou So, isang taxpayer mula sa Tagum, Davao City, at contractor ng Caanast Construction, na nababalot ng korupsiyon ang DPWH Project ODA sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagkakahalaga ng P39-bilyon.

Ayon kay So, personal niyang nakausap si Ramon Arriola, na nagpakilala umanong Project Director ng DPWH UPMO-FCMC, at sinabi sa kanya na bawat contractor ay dapat magbigay ng ‘SOP’ na 10%.

Itinalaga rin umano sila na maging ahente ng naturang proyekto dahil si Arriola umano ang consignee ng bawat flood control projects ng DPWH.

“I have personally discussed with Mr. Ramon A. Arriola of DPWH Project Director UPMO-FCMC, he personally informed us that he is a director stating every contractors should be able to provide an SOP of 10% and allocated us to be the agent in this project as he is the consignee of every flood control projects of the DPWH,” bahagi ng liham ni So, na may petsang 8 Hunyo 2020.

Personal din aniyang sinabi ni Arriola na siya ang umano’y ‘bagman’ ni Secretary Mark Villar at dating Sen. Manny Villar, at ibibigay nito sa kanilang kompanya ang DPWH Project ODA sa BARMM kapalit ng SOP na 10% at 1% na lock-in fee na nagkakahalaga ng P390 milyon.

Dagdag ni So, pumayag sila sa gusto nito at nakapagbayad ang kanilang kompanya ng partial payment para sa lock-in sa halagang P100 milyon noong 14 Marso 2020 at naganap umano ang bigayan sa tahanan mismo ni Arriola.

Gayonman, nitong 4 Hunyo 2020 ay nalaman nilang naibigay na sa ibang contractor ang proyekto at hindi na sila makakasama sa bidding kahit pa nakapagbigay na sila ng lock-in fee. Tumanggi rin umanong ipa-refund ang perang naibayad nila.

“Mr. Ramon A. Arriola personally stating that he is a bagman of Secretary Mark Villar and Ex-Senator Manny Villar in accordance with the project and would hand over the DPWH Project ODA in BARMM in our firm for an SOP of 10% and 1% lock-in fee amounting to P390 million,” ayon pa sa liham ni So.

“Our firm has handed over a partial payment for lock-in amounting to P100 million dated on 14 March 2020 in the safety of Mr. Ramon Arriola’s home. On June 4, 2020 regretting of the information that he told us he had already contractors for the project and has handed them the TOR and cannot provide anymore TOR even in PhilGeps and that we would not be able to join the bidding even after our firm has handed over the lock-in fee and our money not being refunded,” aniya.

Nanindigan si So na may mga ebidensiya siya ng bawat transaksiyon at dokumento hinggil sa naturang naganap na korupsiyon.

Umaasa rin aniya siya na maaaksiyonan at mabibigyan ng konsiderasyon ng pangulo ang kanilang reklamo.

“I have evidence of every transaction and documents against this corrupt man. Our dear President corruption is what will kill this country, may this matter be taken into consideration,” pagtatapos ni So.

Nabatid ni So, si Arriola ay hindi career official o walang CESO kaya hindi qualified na maging director ng DPWH.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *