Saturday , November 16 2024
road traffic accident

Sa Benguet… 3 truck nagkarambola 6 patay, 4 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang anim katao, kabilang ang apat na garbage collector, habang sugatan ang apat na iba sa banggaang kinasasangkutan ng tatlong truck sa kahabaan ng Marcos Highway sa bahagi ng Sitio Bontiway, Barangay Poblacion, sa bayan Tuba, lalawigan ng Benguet, dakong 4:00 am kahapon, Lunes, 8 Hunyo.

 

Ayon kay Benguet Provincial Police Office (PPO) director Col. Elmer Ragay, bumangga ang isang truck ng basura ng Baguio City na minamaneho ni Mark Collantes, sa likuran ng isang dump truck na minamaneho ni Merson Manalastas habang binabagtas ang pababang bahagi ng highway.

 

Dahil sa lakas ng pagbangga, sumalpok ang dump truck sa unahang bahagi ng isang trailer truck na nasa kabilang direksiyon patungo sa lungsod ng Baguio.

 

Samantala, patuloy na umandar ang garbage truck hanggang bumangga sa isang concrete barrier sa kalsada saka tumagilid.

 

Kinilala ni Ragay ang mga namatay sa insidente na sina Mark Collantes, ang driver ng garbage truck; mga kolektor ng basura na sina Belly Joe Lachica, Raymart Lachica, John Rex Hilario, Rustom Lachica Dela Rama; at Jonathan Vargas, driver ng trailer truck mula sa bayan ng Aringay, sa lalawigan ng La Union.

 

Dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center ang iba pang mga sugatang pasahero ng garbage truck na sina Roneo Collantes, Ernesto Collantes, Philip Dela Rosa, at isang kinilalang si Manalastas.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *