Saturday , November 16 2024
dead gun police

Mag-anak niratrat sa loob ng kotse, 1 patay, 1 sugatan  

PATAY ang isang lalaki, habang sugatan ang kapatid na babae nang pagbabarilin ng mga suspek na riding in tandem habang nakasakay sa kotse, kasama ang kanilang mga magulang sa panulukan ng P. Ocampo at Bautista streets, sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

 

Idineklarang dead on arrival (DOA) sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Edgar Ruamiro, 24 anyos, residente sa Tramo St., Pasay City.

 

Sugatan ang kapatid niyang si Luisa, 26 anyos, sales lady sa Mega Mall.

 

Sa ulat, naganap ang pamamaril habang sakay ng kotseng Chevrolet Spark LS, may plakang TOS 677 ang mga biktima kasama ang kanilang ama na si Ernesto, 47 anyos; at inang si Erlinda, barangay kagawad ng Barangay 53 Zone 7, Tramo, Pasay City.

Papunta umano ang mag-anak sa Paco Market para bumili ng peanut butter nang lapitan ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at kaagad na pinagbabaril si Edgar na noon ay nakaupo sa tabi ng driver, habang tinamaan ng bala sa kanang braso si Luisa.

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung ano ang motibo ng krimen at kung siya ba talaga ang target ng pamamaslang. (VV)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *