HABANG isinasaayos ng mga negosyante ang kanilang ‘work practices’ sa Thailand matapos alisin ang lockdown sa bansa, isang beauty clinic sa Bangkok ang nagdisenyo ng mini face mask para sa kanilang mga kliyente na sumasailalim sa mga close at personal cosmetic treatment habang hindi pa nalulutas ang problema sa coronavirus pandemic.
Ang ideya sa masasabing kakaibang uri ng face mask, na gumagamit ng mas makitid na protective strip para ma-expose ang ilang bahagi ng mukha, ay para makapagsagawa ang mga doktor ng mga procedure habang nalilimatahan ang ‘contact’ sa ilong at bibig ng kanilang pasyente.
“Sa una, marami ang nagsabing ‘weird’ ang face mask ngunit sa katotohanan ay malaki ang maitutulong nito dahil ‘specifically designed’ ang mascara para maging ligtas ang nagpa-facial treatments,” wika ni Kannika Sae-Ngow, isang kostumer sa Waleerat Clinic na nagpa-laser nang makapanayam ng media.
Sa ngayon ay hindi pa nagbebenta ng personal nilang face mask ang pamosong klinika ngunit mayroon daw silang 100 maskara na inihanda at puwedeng i-disinfect ang mga ito at labhan para magamit muli.
“We also plan to design other versions of these masks that can cover part of a nose so that doctors can treat the nose without having to take the masks off,” punto ni Wisarut Krimthungthong, chief marketing officer ng Waleerat Clinic.
Nagsasagawa din ng pag-iingat ang klinika sa pamamagitan ng pagbabawas ng bilang ng kanilang mga kliyente sa 15 katao mula sa dating mahigit 100 kada araw. Bukod ito sa temperature screening pa at ibang mga health check mula sa kanilang staff.
Gumagamit din ang kanilang staff ng plastic shield habang tumutulong sa mga treatment at ilang administrative operation.
“It has reduced the amount of time customers have to spend here to roughly less than an hour,” ayon sa nagtatag ng klinika na si Waleerat Thaweebanchongsin.
Kinalap ni Tracy Cabrera