Saturday , November 16 2024
knife saksak

Pintor sinaksak ng ka-barangay

MALUBHANG nasu­gatan ang isang pintor matapos saksakin ng ka-barangay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Richard Duculad, 27 anyos, residente  sa Flovie 7, Phase 6, Letre Paradise Village Barangay Tonsuya sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang likod.

Naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP-8) ang suspek na kinilalang si Samuel Tenedero, 30 anyos, ng Flovie 5 Letre ng nasabing barangay at narekober ang ginamit na kitchen knife.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at Jose Romeo Germinal, dakong 11:30 pm, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Flovie 7 pauwi sa kanila bahay nang walang sabi-sabing sinaksak ng suspek sa katawan.

Matapos ang insi­dente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod ng nagrespondeng mga tauhan ng PCP-8 ang biktima sa naturang pagamutan.

Inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek sa pananaksak sa biktima.

(ROMMEL SALES)

 

 

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *