Thursday , May 15 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Ang Coronavirus at HIV

Life hurts a lot more than death. 

                              — Anonymous

 

KUNG tunay ngang nagtatagumpay ang mga lockdown at stay-at-home protocol para pabagalin ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19, nagbabala ang mga health expert na ang nasabi rin mga alituntunin ang maaaring makadiskaril sa programang pumipigil sa isa pang mapanganib na sakit — ang human immune-deficiency virus (HIV).

Simula nitong buwan ng Abril, nagsagawa ng online survey si Emory University epidemiologist Travis Sanchez sa aabot 1,000 kalalakihan na nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki, at kalahati sa kanila ang nabawasan ang bilang ng kanilang mga katalik.

Sa teorya, makababawas ito sa transmission, ngunit agad din idinagdag ni Sanchez ang isang naka­babahalang paalala: 25 porsiyento ng kalalakihan ang nagsabing nakakaranas sila ng problema sa pagpapasuri sa mga sexually transmitted disease (STD), dahil libo-libong medical centers na dating nagbibigay ng HIV test ay nagsipagsara na o dili kaya’y ginawang testing facility para sa COVID-19.

Nangangahulugan ngayon na yaong mga taong patuloy na nakiki­pagtalik ay walang ideya patungkol sa kanilang status, na babala ni Sanchez ay isang time bomb na maaaring sumabog anumang oras.

Wika nito: “It’s very likely that people’s risk behaviors will resume before they will have full access to prevention services.”

Kaya idinagdag ng epidemiologist na ang kombinasyon ng kaku­langan ng pasilidad at patuloy na walang kaalaman sa health status ay maaaring humantong sa pagtaas ng HIV transmission.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na filespolice@yahoo.com.ph o i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *