IPINASA ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng COVID-19 reverse transcription polymerase chain reaction (RT–PCR) testing para sa mahihinang miyembro o sektor ng lipunan.
Ayon kay Iloilo Rep. Janette Loreto-Garin, kailangan unahing bigyan ng COVID-19 RT- PCR test ang mga manggagawa na bumalik sa trabaho, ang matatanda at mga may sakit.
Sa kanyang sponsorship speech kahapon para sa House Bill 6707 na pinalitan ng HB 6865 o ang Crushing COVID Act, iginiit ni Garin ang pagsasagawa ng testing sa mga tao lalong-lalo sa mga manggagawa na babalik sa trabaho.
Sa kanyang panukala, ang mga taong may comorbidities, mga buntis, healthcare workers, food handlers, mga nagtitinda sa palengke, grocery stores at supermarket, mga kasambahay, salon workers, media people, factory, at construction workers ay kinakailangang sumailalim sa COVID-19.
Aniya, dapat magkaroon ng “pooled PCR testing” na ang samples ng isang grupo ay isinasailalim sa pagsusuri sa pamamagitan ng PCR.
Sinabi ng mambabatas, kung negatibo ang grupo, nakatipid na ang gobyerno sa test kits.Kung positibo, hahatiin ang grupo at bibigyan ulit ng test hangang makuha ang ilang positibo sa COVID-19.
“If one of the 10 individuals tests positive, the result will come out positive. The individuals will then be divided into a group of 5 and their samples will be pooled again under one PCR test until the positive person is determined. However, if the test result of a pooled group is negative, it means 10 people are negative of the virus determined by using only 1 PCR test,” paliwanag ni Garin.
“This pooled PCR Testing will be an enhanced wider-based purposive testing designed to test a larger number of the vulnerable members of the society based on robust and scientific epidemiologic data. With this, we will be able to maximize the government resources,” dagdag ni Garin.
Aniya, kung isang milyon ang isasailalim sa test, kailangan lamang ang isang daang libong test kit.
“If we have a population of one million to be tested, that will only entail one hundred thousand tests.”
Giit ni Garin ang “pooled testing” ay makatutulong na makatipid ang gobyerno at maaaring magamit ang pondo sa ibang bagay na makatutulong sa iba pang importanteng programang pangkalusugan. (GERRY BALDO)