Saturday , November 16 2024
Marawi
Marawi

25,000 Marawi bakwit hindi pa nakakabalik

TATLONG taon matapos mawasak ang Marawi dahil sa pambobomba sa mga lungga ng Abu Sayyaf, 25,000 residente nito ay nanatiling ‘bakwit’ sa evacuation centers hanggang ngayon at hindi pa nakababalik sa normal na pamumuhay.

Sa privilege speech ni Deputy speaker Mujiv Hataman, sinabi niyang lalong nalagay sa panganib ang mga bakwit na taga-Marawi ngayon dahil sa COVID-19.

“Hindi either-or ang pagtugon sa pandemya at ang pag-rehabilitate ng Marawi. Sa totoo lang, magkarugtong ito, and the rehabilitation of Marawi has become even more imperative due to the dangers of COVID-19. Alalahanin natin, marami sa mga bakwit ng Marawi ang nagsisiksikan pa hanggang ngayon sa mga temporary shelter communities. 17,000 katao pa ang nasa mga komunidad na ito,” ayon kay Hataman.

Aniya, sentro ng komersiyo at kultura ng mga Moro ang Marawi at  pinadapa ito ng bomba at mortar na nagwasak sa dinamismo ng lugar.

“Tatlong taon, pero isang lungsod pa rin ng gumuhong mga gusali ang Marawi. Hindi pa nakauuwi ang mga residente rito. Ayon sa UN High Commissioner for Refugees, nasa mahigit 25,000 pamilya ang displaced o hindi pa makauwi,” ani Hataman.

Ipinaliwanag ng kongresista, ang maliit na tindahan sa Marawi ay nakapag-aambag sa ekonomiya ng buong BARMM, ng buong Mindanao at ng buong Filipinas.

Nagpahayag ng pangamba si Hataman na maaaring mabuhay ang pagkaradikal ng mga batang Muslim dahil sa pagka-etsapuwera sa kanila.

“Kapag naabot ng isang batang Maranao ang kanyang pangarap, magdadala siya ng dangal hindi lamang sa Marawi o Bangsamoro, kundi sa buong Filipinas. Conversely, just as the radicals of today rose from the ranks of the poor and downtrodden Moros of yesteryears, tomorrow’s radicals can only come from Moros who are suffering injustices today,” ani Hataman.

“Ang tanong ko nga: Gaano katagal pa bago maimpluwensiyahan ng mga recruiter at violent extremist ang isa na namang henerasyon ng mga Moro na inetsa-puwera at kinalimutan ng mga makapangyarihan? Gaano katagal pa bago ang damdamin ng mga bakwit, lalo na ang kabataan, ay magpalit-anyo, mula sa lungkot at hinagpis, tungo sa galit?” tanong ni Hataman.

Nakiusap si Hataman sa pamahalaan na upuan na ang lahat ng nakabinbing panukala at plano para sa Marawi.

Aniya, daang-milyong pisong pondo ang nag-expire lamang, imbes magamit para tugunan ang situwasyon.

“To be exact: Out of the P4.4 billion 2018 fund, P406 million expired and reverted to National Treasury. Para naman sa 2019, sabi sa mga ulat, noong April lang nag-release ng mahigit P3.5 billion ang DBM para sa Task Force Bangon Marawi,” paliwanag ni Hataman.

“Late na nga, kulang pa. Kulang na nga, hindi pa magamit nang husto at tama.”

Noong 2017 pa binuo ang TFBM at wala pang nakikitang konkreto at makabuluhang pagbabago sa Marawi.

“Ang totoo nga, kahit maayos na paliwanag at transparency, hindi rin nila maibigay sa atin. Malinaw ito noong nag-congressional hearing tayo. Parang hindi nag-uusap-usap ang mga ahensiya. Kaya siguro kapag pinagtabi mo ang mga retrato ng ground zero three years ago at ngayon, wala kang laban sa spot-the-difference. Dahil walang difference,” ayon sa kanya.

Magugunitang  tinukoy ng isang Mindanao-based political activist na si Reymund de Silva, ang tatlong Marawi Generals na sina National Task Force chief implementer at Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, at Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Si Galvez ay nagsilbing Western Mindanao Commander, si Bautista ang ground commander at si Año ang Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff nang maganap ang Marawi siege noong 2017.

Ang tatlong nabanggit na heneral ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID). (GERRY BALDO)

 

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *