KINALAMPAG ni Sen. Christopher “Bong” Go ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ang kanilang mga programa para maihatid sa mga lalawigan ang mga stranded na estudyante, manggagawa, at overseas Filipino workers (OFWs) nang ipatupad sa Metro Manila ang enhanced community quarantine (ECQ).
“Umaapela po ako sa mga ahensiya ng gobyerno na ipaliwanag ang iba’t ibang programa ng gobyerno na puwedeng makatulong sa mga gustong umuwi sa kanilang mga probinsiya at kung ano ang proseso na kailangang sundin,” aniya sa mensaheng ipinadala sa HATAW kagabi.
Inilinaw ni Go, “bilang tagapagtaguyod ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program ng administrasyong Duterte, hindi kasama rito ang pag-aasikaso para makabalik sa mga lalawigan ang stranded workers at OFWs sa Kalakhang Maynila.
“In addition, as the proponent of the Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, I wish to clarify that facilitating the return to the provinces of workers and OFWs stranded in Metro Manila is not part of the BP2 program package. There are other government initiatives in place to respond to their needs,” aniya.
May mga kahalintulad aniyang programa ang ibang ahensiya ng pamahalaan na may layuning tulungan ang stranded students, workers, at OFWs na makauwi sa kanilang lalawigan.
Inihayag ng senador ang kaniyang simpatiya sa OFWs na natengga sa Metro Manila nang matagal dahil sa naantalang paglabas ng kanilang health certificates, at paglaon ay naging sanhi ng depresyon ng ilan sa kanila.
“I sympathize with our OFWs who are still stranded in Metro Manila and are in quarantine facilities for more than the prescribed 14-day period despite complying with health protocols and having been tested negative for COVID-19 already. The delay in the release of their health certifications has caused unnecessary burden to them as some OFWs are now even experiencing depression,” aniya.
Matatandaan, napaulat na isang OFW ang nagpatiwakal sa isang state-sponsored quarantine facility dahil sa depresyon.
“Nakita naman po natin ang mga pagsubok na pinagdaraanan ng ating OFWs dahil sa COVID-19. Dapat lang na mapauwi na sila sa kanilang mga probinsiya dahil matagal na rin po silang nawalay sa kanilang mga pamilya. Alagaan po natin sila at suklian natin ang kanilang mga sakripisyo nang mas maayos at mabilis na serbisyo,” sabi ni Go.
Hinimok ng senador ang mga kaukulang ahensiya sa sangay ng ehekutibo na tiyakin na bawat Pinoy na pauuwiin sa probinsiya ay masusunod ang wastong health protocols at tamang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang panganib sa kalusugan at kaguluhan pagdating sa lalawigan.
“In line with this, I am urging concerned agencies in the Executive branch to make sure that for every Filipino we send home to their provinces, the necessary health protocols are followed and proper coordination with their home LGUs are implemented in order to avoid health risks and confusion upon their arrival,” sabi niya.
Nauna rito, umalma si Ormoc City Richard “Goma” Gomez sa kawalan ng koordinasyon ng national government, na nagsusulong ng Balik Probinsya program, sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.
“I am also reminding everyone to always prioritize the people’s welfare especially in this time of crisis. Magtulungan at magbayanihan po tayo para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at para rin po malampasan natin ang krisis na ito bilang isang nagkakaisang bansa,” wika ni Go. (ROSE NOVENARIO)