MAY nagpuslit ng mga ilang sex scene na kuha sa mga gay indie films na Pinoy noong araw na inilalabas ngayon sa isang gay sex site. Naida-download iyon at napapanood nang libre. Iyon namang mga nag-upload niyon, kumikita dahil sa mga advertiser ng website na iyon. Namo-monetize nila. Una, unfair iyan dahil hindi sila ang may-ari ng pelikula at maliwanag na piracy iyan. Ikalawa, kawawa naman ang mga artistang nagpapakatino na ngayon, tapos inilalabas pa iyong mga nagawa nila noong araw.
Unfair naman iyon sa kanila, at isa pa, iyang website na iyan ay ipinatigil na ng NTC, hindi namin alam kung bakit nakapapasok na naman sila sa Pilipinas.
HATAWAN
ni Ed de Leon