Saturday , November 16 2024
electricity meralco

MERALCO panagutin bunsod ng “shocking electric bills”

NAGBABALA si House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Manila Electric Company (Meralco) na maaari silang sampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 11469, o ang Bayanihan to Heal as One Act, kung hindi nila maipaliwanag ang “shocking electric bills” sa gitna ng pandemyang COVID-19.

 

“Meralco should be made to explain why it is not guilty of violating the Bayanihan to Heal as One Act following the surge in the electricity bills of its customers while the country is under a state of public health emergency and millions suffer from the economic fallout of lockdown measures to contain the spread of COVID-19,” ani Herrera.

 

Nab labas ng pahayag si Herrera kasunod ng dumaraming panawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan ang biglang pagtaas ng singil sa koryente sa panahon ng malawakang enhanced community quarantine (WCQ) sa buong Luzon.

 

“These illegal acts, she said, are punishable with imprisonment of two months or a fine of P10,000 to P1 million, or both, at the discretion of the court,” ani Herrera.

 

Hinimok niya ang Meralco na sagutin ang reklamo ng mamamayan patungkol sa mga bill nito partikular ang sa Mayo.

 

Kung totoo ang mga sinasabi ng mga tao, lumabag ang Meralco sa direktiba ng ERC na huwag muna maningil sa panahon ng ECQ.

 

Ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesperson ng Meralco, “As part of the ECQ period, some March and all April bills were estimated based on the past 3 months’ average daily consumption, following the Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR) issued by the ERC.”

 

Paliwanag  ni Zaldarriaga ang pagtaas ng bill ay, maaaring, bunsod ng pagtaas ng konsumo dahil nasa bahay lamang ang karamihan sa panahon ng quarantine.

 

“The following factors may have affected customers’ May bill, including increased consumption during ECQ, as everyone is at home. So, appliances are usually switched on most of the time throughout the day, especially appliances like fans and Airconditioners. Airconditioners, which most households would use 6 to 8 hours per day before ECQ, could be used for 12 to 24 hours per day during the ECQ. Also, temperatures are currently at a record high, leading to higher use of cooling devices,” ayon sa Meralco.

 

“The May bill is a result of the actual kWh Consumption from the current meter reading, with adjustments already reflected from the previous estimated consumption. This total, which is already based on the true and actual readings, is what customers actually see in the May bill. That is why you may notice a rise in the total amount due. But Meralco reassures customers that our meter reading activities continue to be accurate, and transparent. For any concerns or questions regarding your meter reading or your bills, customers can always call the Meralco hotline 16211 or visit the company’s social media accounts, and we will be more than happy to assist.”

 

Maaaring bayaran ang bill sa apat na installment, ayon kay Zaldarriaga. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *