Wednesday , December 25 2024
electricity meralco

Meralco imbestigahan sa ‘paglobo’ ng electricity bill — Bayan Muna

KINALAMPAG ng isang mambabatas ang Energy Regulatory Commission (ERC) para imbestigahan ang hindi makatuwirang electricity bill ng Meralco kahit mismong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang nagbigay ng katiyakan na sobra-sobra ang supply ng koryente sa panahon ng lockdown.

 

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat magsagawa ng masusing imbestigasyon ang ERC sa kompanya ni Manuel V. Pangilinan dahil binigyan aniya ng kapangyarihan ang gobyerno sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act para i-regulate ang power supply bilang proteksiyon sa mamamayan laban sa profiteering, cartel, monopolyo at iba pang tiwaling gawain ng mga negosyante.

 

Kinuwestiyon ni Zarate ang katuwiran ng Meralco na ang paglobo ng electricity bill ng mga consumer ay resulta ng mataas na konsumo sa koryente dahil mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag na nagkaroon ng downward trend sa demand nito sa panahon ng lockdown.

 

“According to Pres. Rodrigo Duterte’s 6th Report dated May 4, 2020, ‘excess capacity over peak demands have been registered with Luzon only using 3,341 [29%] megawatts, Visayas only 858 MW [33%] and Mindanao 878 MW [35%].’ In fact, in the latest report of Pres. Duterte on May 11, he reported that ‘major island grids exhibited excess capacity over peak demand with Luzon at 23% [2683 MW], Visayas 28% [718 MW] and Mindanao at 30% [30%].’ So how can consumption increase when the demand is going down from as we enter the summer period?” ayon kay Zarate.

 

Katunayan aniya, hindi dapat magtaas ng singil ang Meralco dahil sinabi ng kompanya na nagkaroon ng “force majeure” sa kanilang mga supply contract na ibig sabihin ay hindi nito babayaran ang kanilang contract demand sa mga supplier dahil sa krisis dulot ng pademyang COVID-19.

 

Samantala, ipinahayag ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, bukod sa ERC, dapat imbestigahan din ng Kongreso ang panibagong dagdag singil sa koryente.

 

Aniya, hindi dapat malihis ang isyu sa plano ng Meralco na sampahan ng kaso ang isa nilang consumer na nagsabing umabot ng P1.7 milyon ang kanyang electricity bill.

 

“Meralco’s skyrocketing rates provide consumers and lawmakers alike painful proof that the law of supply and demand does not work when only one company – a monopoly like Meralco — controls the supply of a product or service,” ani Colmenares.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *