Wednesday , December 25 2024

Palugit sa PhilHealth hiniling ng lady solon (Para sa members at health workers)

HINILING ni Rep. Florida Robes ng San Jose del Monte kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng palugit sa pagbayad ng premium ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasama ang mga doktor at iba pang health workers bunsod ng kahirapan na dala ng pandemyang COVID-19.

 

Sa Resolution No. 862, umapela si Robes kay Duterte na isuspendi ang implementasyon ng PhilHealth circular na nag-uutos sa pagtaas sa singil ng premium sa mga miyembro nito.

 

“(I) appeal (to President Duterte) and PhilHealth to suspend the implementation of PhilHealth Circular No. 2019-0009 which took effect 7 December 2019 increasing the contribution of premium members, including doctors and health workers, in view of the economic challenges  created by the Covid-19 pandemic,” ani Robes sa kanyang resolusyon.

 

Batay sa Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act, naglabas ang Philhealth ng Circular No. 2019-0009 na nag-utos na itaas ang kontribusyon ng mga miyembro nang tatlong porsiyento ng buwanang sahod mula 2020 at sa mga susunod na taon at dadagdag ng 0.5 porsiyento bawat taon hangang umabot ito ng 5 porsiyento sa 2025.

 

Bunsod ng pagtaas ng kontribusyon, ang mga health care professionals, kasama ang mga nasa probinsiya ay magbabayad ng P60,000 hangang P100,000 upang makuha ang kanilang Philhealth accreditation.

 

Ani Robes, nagpahayag ng paghihirap sa pagbabayad para sa accreditation dulot ng pisikal at pang-ekonomiyang kahirapan dala ng pandemya.

 

“Doctors are extremely burdened by this increase because they are also imposed at least a five (5) percent withholding tax rate from their professional fees. On top of the increased accreditation fees and tax burden, doctors are left at the mercy of PhilHealth which sometimes denies their claims or oftentimes delays the remittance of their entitlements,” paliwanag ni Robes.

 

Aniya, kailangang suspendihin ang pagtaas ng singil sa PhilHealth dahil sa sobrang hirap na dinaranas ng mga Filipino ngayong may krisis pangkalusugan. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *