SARADO pa ang mga istambayang coffee shops at bars ni pogi, kaya palakad-lakad na lang daw siya sa mga lugar ng mga nakasaradong shops sa Taguig. Umaasa siyang doon ay makikita niya ang mga “dati niyang friends” na willing magpahiram, kundi man magbigay ng pera sa kanya.
Pero noon iyon na talagang sikat siya at pogi pa siya, Eh ngayon hindi na siya sikat, at hindi na rin naman siya ganoon ka-pogi. Para ngang namanas pa ang mukha niya eh.
(Ed de Leon)