MUKHANG delikado na nga si “sir”. Kasi mukhang napakaraming mga napangakuan niya ng tulong ang naghihintay ng “ayuda” mula sa kanya sa ngayon.
“Hindi na nga natupad ang pangako niyang shows, tumulong naman siya,” sabi nila tungkol kay “sir”.
Pero limitado rin naman ang kayamanan ni “sir”. Hindi rin naman siya ganoon kayaman dahil sa “dami ng binibigyan niya ng ayuda” kahit wala pang Covid-19. Pero may mga mainit ang ulo na nagsabing ibubulgar na raw nila ang “kahayupan” ni “sir”.
Bahala kayo kung kaya ninyo.
Baka wala rin namang mangyari sa inyo.
(Ed de Leon)