INILUNSAD ng PRO3-PNP ang mga proyektong food bank, food highway at direktang bayanihan kamakalawa ng tanghali, 10 Mayo, sa Camp Julian Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga bilang suporta sa paglaban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).
Pormal na binuksan ang katatapos na exopark na tinaniman ng 100 puno ng Royal Palm trees, dalawang Canary Palm trees na donasyon mula sa San Ildefonso Buenavista Lions Club para sa ‘kalig-kasan’ (kaligtasan at kalikasan) na nagdudulot ng preskong hangin na malaking kapakinabangnan ng nakararami sa paligid.
Dumating si Department of Agriculture Secretary William Dar bilang pangunahing pandangal kasama si PNP chief P/Gen. Archie Gamboa at malugod na sinalubong ng pulisya sa pamumuno ni P/BGen. Rhodel Sermonia bilang pagsuporta sa Balik-Probinsiya program na isinusulong ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.
Lumagda ng memorandum of understanding ang PRO3-PNP, Department of Agriculture, at iba’t ibang stakeholders at ahensiya para suportahan ang naturang proyekto.
Samantala, ipinasyal ni Sermonia si P/Gen. Gamboa sakay ng isang speedboat sa palibot ng fishpond habang isinagawa ng mga mangingisda ang pag-ahon ng aning mga tilapia at habang inilapag sa mesa ang mga bagong aning gulay na nakatanim sa paligid ng fishpond upang ipakita ang kahandaan ng PRO3 na may sapat silang imbak sa kanilang foodbank mula sa iba’t ibang donor.
Tinanggap ngPRO3-PNP ang mga farm equipment at iba’t ibang buto ng mga pananim mula sa DA upang patuloy na lumago at maparami ng mga mapagkakaloobang mahihirap na kanilang isasailalim sa adopt-a-family program. (RAUL SUSCANO)