Wednesday , December 25 2024

Away ng NTC at Kamara ‘nagliyab’ sa #deadair ABS-CBN

‘NAGLIYAB’ na ang away ng Kamara at ng National Telecommunications Commission (NTC)
matapos maglabas ang naturang ahensiya ng cease-and-desist order sa ABS-CBN.

Pinatitigil ng NTC ang operasyon ng dambuhalang media network ngayon, 5 Mayo.

Ayon kay Palawan Rep. Franz “Chikoy” Alvarez, ang chairman ng House Committee on Legislative Franchise, walang karapatan ang NTC na makialam sa isyu ng prankisa ng ABS-CBN.

“If the NTC chooses to succumb to the pressure of the Solicitor General, and disregard the commitments they gave under oath, we reserve the right to call them before Congress and explain why they should not be held in contempt,” ani Alvarez.

Aniya, diniinan ni Solicitor General Jose Calida ang NTC na lumabag sa ruling ng Department of Justice (DoJ) na nagsasabing puwedeng mag-broadcast ang ABS-CBN habang dinidinig ng Kongreso ang renewal ng prankisa nito.

“We would like to make it clear that Congress takes this matter very seriously, as it directly challenges our exclusive Constitutional authority to grant, deny, extend, revoke or modify broadcast franchises. Including having the primary jurisdiction to make an initial determination whether an application for a legislative franchise should be granted or denied,” ani Alvarez.

Giit ni Alvarez, nag-umpisa na ang pagdinig ng kanyang komite para sa renewal ng prankisa bago mag-adjourn noong Marso at hindi ito puwedeng diktahan.

“Having already begun the deliberations on ABS-CBN’s application for renewal of its franchise before Congress adjourned in March, the Committee on Legislative Franchises will not be dictated upon by any individual or agency as to the manner, schedule, and conduct of it’s official business,” paliwanag ni Alvarez.

“Consistent with precedents, the Committee enjoined the National Telecommunications Commission to allow ABS-CBN to operate until such time that the House of Representatives makes a final decision on the application,” aniya.

Kailangan, umano, ng Kamara ng panahon upang pag-usapan ang kalipikasyon ng aplikante at tingnang mabuti ang mga posisyon ng iba’t ibang sektor ukol dito.

Ang poder ng kongreso para gumawa ng batas ay kailangang kompleto, at buo sa plenaryo.

“A legislative franchise is a law and by deciding whether to grant or deny a franchise, it is passing a law and making policy.  The Solicitor General should have the decency to give Congress this courtesy to complete the exercise of its power,” ayon sa kongresista.

Aniya, “With the legal opinion of the Department of Justice and the authority given by the House of Representatives, there is no reason for ABS-CBN to discontinue or stop their operations until we make a final decision,” aniya. (GERRY BALDO)

NTC ITINURO
NG PALASYO
SA #DEADAIR
ABS-CBN

DUMISTANSIYA ang Palasyo sa inilabas na kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na itigil ng ABS-CBN at mga radio station nito ang pagsasahimpapawid dahil wala silang prankisa mula sa Kongreso.

Ang cease-and-desist order ng NTC laban sa ABS-CBN ay inilabas dalawang araw matapos magbanta si Solicitor General Jose Calida sa komisyon laban sa paglalabas ng provisional authority para sa nasabing network.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang broadcast franchises ay nasa awtoridad ng Kongreso at ito lamang ang may karapatang magpasya sa pagkakaloob ng prankisa sa ABS-CBN at alinmang broadcasting company.

Giit niya, tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paumanhin ng ABS-CBN noong nakalipas na Pebrero at ipinaubaya sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang paglalabas ng desisyon sa franchise renewal ng naturang network.

Malaya aniya ang ABS-CBN na gawin ang lahat ng legal na paraan para mabago ang desisyon ng NTC.

“We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19. But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely with the NTC’s decision,” ani Roque.

Noong 1996 at 1997, ipinagkaloob ng NTC ang tatlong provisional authorities sa GMA network para maituloy ang operasyon ng kanilang DXRC-AM broadcasting at DXLA-TV station parehong nasa Zamboanga City at VHF-YV station sa Dumaguete City habang nakabinbin ang kanilang aplikasyon para sa prankisa.

Matatandaan, sa ilang talumpati ni Pangulong Duterte ay nagbanta siyang ipasasara ang ABS-CBN matapos iere ang isang political advertisement laban sa kanya at hindi pagsasahimpapawid nang buo ang binayaran niyang campaign advertisement noong 2016 presidential elections.

“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out,” ayon kay Pangulong Duterte sa oath taking ng mga bagong talagang government officials sa Malacañang noong 3 Disyembre 2019.

Habang noong 30 Disyembre 2019 sa kanyang pagbisita sa earthquake victims sa Cotabato ay sinabi niya: “Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo, mag-renew kayo, ewan ko lang kung mangyari. Ako pa sa  ‘yo, pagbili na ninyo ‘yan.”

Magugunita rin na isiniwalat ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na nais ni Pangulong Duterte na gawing plataporma ang ABS-CBN para tiyakin ang panalo ng kanyang mga manok sa 2022 elections kapag nabili ito ng Davao Group.

Sa vlog ng dating senador na Trx O Trillanes Explains, isiniwalat niya ang umano’y mga kaalyado ni Pangulong Duterte na bumubuo ng Davao Group ay nais bilhin ang Kapamilya network.

Aniya, kaya umano nagbabanta ang Pangulo na harangin ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN  para bumagsak ang halaga sa stock market upang mapilitan ang may-ari nito na ibenta ang estasyon.

(ROSE NOVENARIO)

CEASE-AND-DESIST ORDER
VS ABS-CBN PUWEDENG
IAKYAT SA KORTE SUPREMA

MAAARING iakyat ng ABS-CBN Corporation sa Korte Suprema (SC)  ang cease-and-desist order na ipinalabas laban sa korporasyon.

Sinabi ito ni Senator Francis Pangilinan, isa rin abogado, kasunod ng pagpapatigil ng operasyon ng major network.

Malinaw, aniya, ito ay grave abuse of discretion dahil halatang pinag-initan ang ABS CBN sa isyu ng prankisa gayong maraming  broadcasting companies ang nag-o-operate kahit wala nito.

“This is grave abuse of discretion. The justice secretary has said provisional authority can be issued by the NTC. The NTC action is highly irregular as it has issued hundreds of provisional authorities to other broadcasting companies pending the approval by Congress of their franchise. Singling out ABS-CBN is grave abusive of discretion,” pahayag ng Senador.

Bukod pa rito, sinabi ni Pangilinan na malaking kalokohan na dapat ay binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang problema sa kawalang trabaho

ng milyon-milyong Filipino dahil sa kasalukuyang pandemya at hindi inuuna ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN.

“Ito’y kalokohan. Sa gitna ng pandemya, ito ang inaatupag ng gobyerno. Halos 2.2 milyong Filipino na ang nawalan ng trabaho bunga ng COVID-19 pandemic at quarantine. Ang krisis ng kalusugan ay krisis na sa paggawa at pangkabuhayan ng mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, at kakilala. Stopping ABS-CBN’s operation would cut the income of another 11,000 employees. Wala na bang puso ang pamahalaan?” ani Pangilinan.

Maging si Sen. Risa Hontiveros ay pumalag sa naging pasya ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS CBN.

“Nakababahala na habang nasa gitna tayo ng krisis ay pinapatigil mismo ang operasyon ng ABS-CBN. Ngayon pa habang napakahalagang maihatid ang mga impormasyon na dapat malaman ng publiko tungkol sa COVID-19 at sa mga programa na makatutulong sa kanila,” pahayag ni Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros, hindi napapanahon ang  pagpapatigil sa operasyon ng network bilang major TV na pangunahing source ng balita habang nasa laban kontra pandemyang COVID-19.

“Given the circumstances, this cease-and-desist order by the NTC is ill-timed and insensitive to the needs of the public. The delivery of timely and correct information is essential to our COVID-19 response. This shutdown order goes against public welfare,” dagdag ng mambabatas. (CYNTHIA MARTIN)

KAMARA BAHALANG
MAGPASYA SA KASO
NG ABS-CBN GO

DAPAT ipaubaya sa House of Representatives ang usapin ng inilabas na cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN.

Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go kasunod ng issuance ng NTC ng kautusan hinggil sa hiling na prankisa ng network

Kaugnay nito, umapela si Go sa Kamara na tugunan ang bill na humihiling ng renewal ng prankisa ng media corporation kasunod ng pagbabalik session kamakalawa, 4 May.

Nanindigan si Go, saka na siya magpapasya sa isyu kapag naiakyat na ito sa Senado at makapagsagawa sila ng pagdinig.

Binigyang diin ni Go na paiiralin niya ang konsensiya at uunahin ang interes ng sambayanang Filipino.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About Gerry Baldo

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *