Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovely Abella, may bagong career na!

BUKOD sa mahusay na pagpapatawa sa longest-running comedy show na Bubble Gang, may bagong career na pinagkakaabalahan si Kapuso star Lovely Abella habang nasa-ECQ ang Luzon.

Isa na ring ganap na fitness coach online ang All-Out Sundays star sa kanyang online group na Lovely Fitness Squad. Dahil importante sa panahon ngayon ang manatiling fit at healthy para kontra Covid-19, kinakarir ni Lovely ang pagiging mentor sa mga hindi lang nais makamit ang kanilang #BodyGoals habang naka-quarantine pati na rin sa mga nais maging healthy ang pangangatawan.

Ibinabahagi ni Lovely ang kaniyang mga sikreto sa pagiging fit at toned sa kanyang mga tinuturuan. Kahanga-hanga na sa loob ng tatlong linggo, naging mas fit ang mga tinuruan ni Lovely na sumunod sa kaniyang workout plan na kung tawagin ay HIIT (high-intensity interval training) pati na rin wastong pagkain.

“Always trust the process, motivate yourself and eat healthy,” ani Lovely.

Maliban sa iba’t ibang body workouts, mayroon ding ibinabahaging healthy meal tips ang Kapuso star.

Samantala, natunghayan kahapon ang no contact live show ng All-Out Sundays kasama ang mga paboritong Kapuso stars na nakapagbigay-aliw at nakalikom ng mga donasyon para sa mga apektado ng krisis katulong ang GMA Kapuso Foundation.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Jillian Ward Andrea Brillantes

Andrea at Jillian pinagtatapat, kapwa maalindog

I-FLEXni Jun Nardo SARAP pagsabungin nina Jillian Ward at Andrea Brillantes, huh! Kapwa kasi maalindog at malaman. Nitong …

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …