Wednesday , December 25 2024

Isko nalungkot sa nahawang medical staff ng GABMMC

NAGPAHAYAG ng labis na kalungkutan si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagkakahawa ng 8 medical staff na kinabibilangan ng 4 doktor, 2 nurse, isang med tech at isang rad tech.

Kasabay nito, ipinahayag ni Mayor Isko na ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) na pangunahing ospital sa mataong unang distrito ng Tondo, pansalamantala munang isasara mula nitong 28 Abril hanggang 5 May0.

Tiniyak ni isko, lahat ng pasyente na naka-confine, ay maalagaan. Kailangan aniyang bigyan ng panahon ang pagdi-disinfect ng buong ospital.

Umapela rin ng pang-unawa ang alkalde sa lahat ng residente ng Tondo at tiniyak na ang GABMMC na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Ted Martin, ay patuloy na magseserbisyo sa mga pasyenteng nagda-dialysis gayondin ang ilang units ng ospital, mananatiling operational partikular sa mga naka-admit na pasyente.

Sa mga emergency cases, sinabi ni Mayor Isko na ire-refer ito sa limang city-run hospitals na kinabibilangan ng Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.

Nagpahayag ng kalungkutan si Dr. Martin dahil ang isang dahilan ng pagkakahawa ng mga medical staff ay pagsisinungaling ng mga pasyente sa kanilang tunay na kondisyon at nagbibigay ng ibang kadahilanan ng kanilang nararamdaman gayong sintomas na ng COVID -19.

“Pakiusap lamang… kung ang nararamdaman ninyo ay parang sintomas ng coronavirus, ‘wag po ninyong ikubli… ‘wag kayong matakot. May pag-asa.  Sa pagkukubli ay baka maapektohan ang ating mga mahal sa buhay, ang ating mga dokor at nurses… ‘yan ang isang dahilan kung bakit marami sa ating medical sector and naimpeksyon o nahahawa, dahil sa pagkukubli natin sa bagay na ito. Mas maagang malaman, mas mabilis kayong mabibigyan ng medical attention. Magtatapat po tayo lagi pag nagpupunta sa ospital,” pakiusap ng alkalde.

Samantala, sa walong medical staff na nahawa sa COVID -19, apat ang dinala sa Ninoy Aquino Stadium COVID facility, dalawa ang nag-self-quarantine at dalawa ang under recovery. (VV)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *