PROUD na proud ang award winning actress na si Sylvia Sanchez sa kaibigan at itinuturing na parte ng kanilang family, ang CEO-President ng Beautederm, si Rei Anicoche Tan dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa mga naapektuhan ng lockdown pati na sa frontliners.
Day one pa lang ng Covid-19 pandemic ay hindi na tumigil sa pagbibigay-tulong ang mabait at very generous na businesswoman sa mga nawalan ng trabaho, frontliners, at mga ospital.
At para higit na makatulong ay nagsagawa ito ng Luxury For A Cause 1 and 2 sa kanyang personal facebook account na nagbenta ng kanyang mamahaling gamit para idagdag sa pambili ng mga pang-relief goods, PPEs, at iba pang kagamitang kailangan ng mga frontliner at iba pa.
Namamahagi kasi ng relief goods sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas si Rei kasama na ang mga alcohol at hand sanitizer (na gawa mismo ng Beautederm), gayundin ng mga PPE at iba pang medical items sa mga ospital.
MATABIL
ni John Fontanilla