SA unang pagkakataon ay magkakaroon ng Italian MovieMov Online Film Festival sa Pilipinas.
Dahil hindi makalabas ang mga tao dahil sa COVID-19 lockdown at para hindi maburyong ang mga nasa bahay ngayong quarantine ay nakipag-collab ang Philippine Italian Association sa Italian MovieMov to the Philippines para sa unang online film festival. I
Nasa ika-limang taon na ang collaboration na ito ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) under Film Cultural Exchange Program (FCEP), Italian MovieMov na nakipag-partner sa My Movies para i-organize ang virtual cinema simula Abril 21 hanggang 26 na kayang i-accommodate ang 300 online attendees under the banner ng MovieMov Goes Online.
This year’s edition ng Italian MovieMov will screen six (6) contemporary Italian films at Italian classic—na nag-open noong Abril 21 ang Laura Chiossone’s Genitori Quasi Perfetti na sinundan ng screening ng Lontano Lontano, La Dea Fortuna, Il Testimone Invisible, Fiore Gemello, at Il Colpo Del Cane.
Kasama rin sa mapapanood ang classic Federico Fellini Film na La Dolce Vita. Ang nasabing pelikula ay nanalo sa Palme d’Or for the Cannes Film Festival noong 1960 at Best Foreign Film in that year’s Academy Awards.
Simula noon ay naging classic of world cinema, at ikinonsiderang fixture ng Fellini’s oeuvre at isa marami niyang masterpiece. Ang La Dolce Vita ay ii-screen under the festival’s Fellini 100 section na kasama sa online festival ng celebrating acclaimed Italian director’s 100th birth anniversary.
Sa 300 online attendees, ang Film Festival ay papayagan ang more people beyond sa 100 person capacity ng Cinematheque Centre Manila na roon isinasagawa ang panonood.
Sa pamamagitan ng Italian MovieMov, layunin ng Philippine Italian Association na makapag-build ng platform para sa cultural and commercial promotion ng contemporary Italian cinema sa Philippine market at makapag-establish ng “continuous dialogue with local realities.” Binuo ito ni Goffredo Betini noong 2016 sa pakikipagtulungan ng FDCP na pinanonood sa Cinematheque Centre Manila.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan