Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa pulong ng Pangulo, IATF-MEID at sa ilang health experts… Desisyon sa ECQ ‘di pa sigurado

WALA pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tutuldukan o palalawigin ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) na nakatakdang matapos sa Abril 30.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring ihayag ng Pangulo ang kanyang pasya bago ang katapusan ng buwan.

“Wala pong desisyon at hindi po nagsalita ang Presidente. Ang sabi nga po ng Presidente e ang kaniyang desisyon ‘may come today or it may come on April 30’ kasi kung anuman ang desisyon niya baka ang mga tao ay lumabas sa kanilang mga bahay,” ani Roque.

Inihayag ni Roque, sa ginanap na pulong ng Pangulo sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) at sa ilang health experts, walang nagrekomenda na patuloy na ipatupad sa buong Luzon ang ECQ.

Bagkus aniya, ang sabi nila’y kailangan i-relax o tanggalin sa mga area na wala namang maraming kaso ng COVID-19.

Kabilang aniya sa mga tanong ng Pangulo sa mga eksperto bago makabuo ng desisyon ay, “What will happen if he lifts ECQ to certain kinds of people? What good will lifting or relaxing ECQ give to certain sectors of society? How many people will die if ECQ is lifted, modified or retained? Is there a possibility of a second wave of COVID if ECQ is relaxed or lifted? And finally, he said that if people are allowed to go out of their homes, is there a danger for the disease to spike anew or is this just really round one of COVID?”

Ang konsuwelo aniya ng Pangulo ay mas marami na po ngayong gumagaling kaysa namamatay dahil po sa COVID-19.

Kaugnay nito, pinamamadali ni Pangulong Duterte ang implementasyon ng national ID system, ang pagbalangkas ng COVID-19 recovery plan, ang mabilis at mabuting pagpapatupad ng Build, Build, Build projects.

Ito ang mandatong ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dr. Karl Kendrick Chua, ang acting director-general ng National Economic Development Authority (NEDA), ayon kay Roque.

Ipinababatkd din aniya ng Pangulo na may kapasidad na ang bansa na gumawa ng 10,000 protective personal equipment (PPE) na dati rati ay ini-export natin.

“Ngayon po ay gagamitin na natin dito sa Filipinas at ang inaasahan po natin ay darating din po ‘yung 74,000 PPEs na ini-import natin sa pamamagitan ng PITC ngayong Biyernes. So ‘yung humihingi po ng PPEs parating na po ‘yung ating import at gumagawa na po tayo ng 10,000 PPEs araw-araw,” dagdag ni Roque.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …