NAPIKON na nga siguro si Paolo Contis sa puro negatibong nababasa kung minsan sa social media, kaya nang makita niya ang post ni Antonio Trillanes, nag-comment naman siya ng, “isa pa itong bastos, wala namang silbi.” Siyempre nag-react din iyong dating senador.
Hindi sa kinakampihan namin si Paolo, o kahit na sino. Pero kung ikaw ay nag-post sa social media, ang iyong opinion ay inihahain mo sa tao. Dahil diyan, kung ano man ang maging opinion ng mga tao pabor man o laban sa sinabi mo, wala kang magagawa. Walang cargo riyan si Paolo.
HATAWAN
ni Ed de Leon