Monday , May 12 2025
shabu drug arrest

Bebot na tulak, timbog sa buy bust  

KAHIT may lockdown dahil sa coronavirus (COVID-19), isang 25-anyos na babae ang walang takot na nagbebenta ng ilegal na droga na naaktohan ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Lourdes Caguia, alyas Enang ng Phase 1A, Hapaap St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Sa ulat ng pulisya, hindi kabilang ang suspek sa drug watch list na naaresto kasunod ng intelligence report tungkol sa kanyang illegal drug activities sa Brgy. Concepcion.

Ani Col. Tamayao, dakong 3:00 am nang masunggaban ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan si Caguia sa ikinasang buy bust operation sa Arellano St., Brgy. Concepcion, matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.

Nakompiska ng pulisya sa suspek ang pitong plastic sachets na naglalaman ng 8.85 gramo ng shabu na tinatayang P58,344 ang halaga. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *