ARESTADO ang limang bagets dahil sa paglabag sa curfew hour sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Nahuli ang mga bagets sa kahabaan ng Tamaraw Hills Extension, Brgy. Marulas sa nasabing lungsod.
Agad dinala ang mga kabataang gala at maging ang kanilang mga magulang sa police station sa Marulas 3S Center para ibigay ng Task Force Disiplina ang kanilang tiket sa paglabag sa Ordinance No. 673, at pamamalagi sa labas ng bahay kahit epektibo ang Luzon-wide enhanced community quarantine.
Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing measures, ginawa ang City Ordinance No. 673 upang maiwasan at mailayo sa kontaminado at maipasa ang coronavirus (COVID-19) sa Valenzuela City.
Kasama rin sa paalala sa ordinansa na “All students shall remain in their homes during class suspension.”
“Alam naman nila na nakatatakot itong virus na kumakalat, marami pa rin pong matitigas ang ulo,” sabi ni PCP-3 commander P/Cpt. Tessie Lleva. (ROMMEL SALES)