PANGALAWA sa talaan ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Cebu ang isang pathologist na nagtatrabaho sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC).
Kinilala ang doktor na si Dr. Helen Tudtud, 66 anyos, binawian ng buhay noong 27 Marso, apat na araw matapos pumanaw ang unang COVID-19 patient sa lungsod na isang 65 anyos lalaki.
Samantala, nasa kritikal na kondisyon ang asawa ni Dr. Helen na si Dr. Dennis Tudtud, isang oncologist na nagpositibo rin sa COVID-19.
Sa post sa Facebook ng anak ng mag-asawa na si Dennis Thomas, ipinahayag niya ang kanilang pagkadesmaya sa pagtrato ng mga tao sa kanilang pamilya.
“Even before my mom passed away, rumors were already circulating that my mom has died, as early as March 18! Some heartless people even posted it all over social media. My mother was still fighting to stay alive but people were already killing her. Do you know how painful it is to have both parents admitted and both in serious and guarded condition and yet you hear news saying that our mother has already died when she is still holding on and fighting to stay alive? We understand the fear. We understand the panic. But do these heartless people not understand how much more fear and panic that we are in? What for? We never breached the quarantine protocol! People treat us like some statistics they see on Facebook or the news. We are people, too! It can happen to you and your family too,” ani Dennis Thomas sa kaniyang post.
Dagdag niya, kinordonan ng mga pulis ang buong compound kung saan sila nakatira.
Na-admit sa pagamutan si Dr. Helen noong 17 Marso matapos makitaan ng mga sintomas ng COVID-19.
Nagsimulang lumala ang kondisyon ng manggagamot noong 21 Marso saka pumanaw noong 27 Marso sa kabila ng pag-aakalang pagbuti ng kaniyang kalagayan ilang araw bago siya namatay.