HINIMOK ni Rep. Rida Robes ng San Jose Del Monte City na gawing pansamantalang tirahan ng mga manggagawa sa Metro Manila ang mga hotel, motel, apartelle at inns na gagamitin pansamantala habang ipinapatupad ang community quarantine.
Ayon kay Robes, maaaring makipag-uganayan ang gobyerno sa mga establisimiyento upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa araw-araw na biyahe mula sa Metro Manila palabas sa kanilang mga bahay sa probinsiya.
Aniya, ang araw-araw na pagbabalik-balik ng mga manggagawa ay maaaring makadagdag sa pagkalat ng COVID -19.
“Allowing workers living outside the National Capital Region to go in and out of Metro Manila defeats the purpose of the community quarantine since they may spread the virus in their respective communities,” ani Robes.
“Since most motels, hotels, inns, apartelles, and other similar types of accommodation are expected to be vacant due to the restrictions of community quarantine, the government may offer them to these workers at fifty percent discount. The remaining fifty percent will be paid equally by the government and their employers. That way, we lessen the spread of the virus to outside Merro Manila,” paliwanag ni Robes.
Naunang hinimok ni Robes ang mga may-ari ng malls at iba pang commercial establishments sa Metro Manila na magbigay ng “rental holiday” o “discounts” sa mga tenants nito sa kabila ng mababang consumer spending at human traffic sa loob ng quarantine period.
May pangamba ang ibang mga magulang kung paano aasikasohin ang mga anak nila na nasa bahay kung hindi sila uuwi pagkatapos ng trabaho.
Ayon sa nakapanayam ng Hataw sa San Jose del Monte City, kung hindi siya uuwi walang mag-aasikaso at magpapakain sa mga anak niya sa kanilang bahay. (GERRY BALDO)