Saturday , November 16 2024
Metro Manila NCR

Mall operations sa MM binawasan

IPINATUPAD ng malalaking mall sa Metro Manila ang pagbabago sa oras ng kanilang operasyon dahil sa umiiral na community quarantine sa rehiyon upang kontrolin ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Metro Manila Council chair Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ipatutupad ang adjusted mall hours mula 11:00 am hanggang 7:00 pm lamang simula kahapon, Marso 15.

Ang nasabing adjustment ay inihayag din ng Department of Trade and Industry (DTI) na agad tumalima ang SM Supermalls at Robinsons Malls.

Batay sa Facebook post ng Robinsons, ang lahat ng Robinsons supermarket sa lahat ng branch ay mula 9:00 am hanggang 7:00 pm ang operasyon.

Nitong Sabado, unang sumunod sa pakiusap ng DTI ang Metro Manila Ayala Malls na tinapos ang kanilang mall hour operation bandang 7:00 pm.

Ang maagang pagsa­sara o pagtatapos ng mall hours operation ay bilang bahagi ng kanilang hakbang para maprotektahan ang publiko at sa umiiral na 8:00 pm – 5:00 am curfew hour sa buong Metro Manila o National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng community quarantine mula 15 Marso hanggang 14 Abril kasunod ng deklarasyon ng Code Red Sub-Level 2 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nahawa sa naturang virus.

(JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *