Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, ‘di nagpasindak kay Tirso

NAGPASIKLAB ng acting si Yassi Pressman sa confrontation scene nila ni Tirso Cruz III sa isang eksena ng FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi akalain ng marami na matapang pala si Yassi at magaling mag-drama.

Problemado si Yassi at sa rami ng suliranin hindi inalintana na matanda sa kanya ang kausap at walang respetong sinagot-sagot ang actor.

Bagay kay Yassi ang mataray na papel kaysa lamya na sunod-sunuran kay Coco Martin.

Mabuti na lang bago tuldukan ang action-serye ay naipakita ni Yassin a isa siyang aktres at hindi basta artista lamang.

 

Rhian, ingat na ingat kapag kaeksena si Coney

KA­BADO man si Rhian Ramos, hinarap niya si Coney Reyes noong sumbat-sumbatan siyang itinakas ang kanyang may sakit na anak, si Tom Rodriguez.

Kuwento ni Rhian, ibang klase pala kapag ang batikang aktres ang kaeksena. Nakae-excite ng feeling at ingat na ingat na hindi magkamali.

Marami nang nagawang serye si Rhian pero sa Love of my Life lang siya nakadama ng mga pagsubok. Imagine, sa harap ni Mikael Daez hindi napigilang hindi masuka sa sobrang kalasingan.

Nasubukan din niyang makipagsampalan at makipagsabunutan kay Carla Avellana.

No wonder, masaya ang feeling ni Rhian dahil worth ang istoryang nasamahan niya.

 

Mommy Divine, lalambot din kapag nagka-apo na kay Sarah

MARAMI ang nagbibiro sa bagong kasal na si Sarah Guidicelli. Hindi nila akalaing makahahabol ng wedding sa panahong ito ng leap year.

Sinasabing suwerte ang leap year kaya  kung may boyfriend or girlfriend,  dapat na magpakasal.

Tiyak namang lilipas din ang galit ni Mommy Divine kapag nakita na at nakalaro ang magiging apo kay Sarah.

Bibihirang lola ang hindi natutuwa kapag  nagkaroon ng apo.

***

SA March 22 ay may concert si Marco Sison sa Teatrino Promenade kasama ang singing diva, Dulce at ang promising singer disjockey ng DWWW 774, si George Castro.

Coronation night naman din sa March 22 ng Mr. Teen Guimba  2020 na gaganapin sa Plaza Guimba, Nueva Ecija na ang isponsor ay ang butihing mayor ng Guimba, si Mayor Hizon.

Guest singer si Joaquin Garcia at ididirehe ni Joey Austria. Panauhin  ex beauty queen na si Brenda Domato at ilang showbiz writers.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …