Wednesday , December 25 2024

Kapwa pulis at mismong gobyerno ang papatay sa akin — P/Col. Jovie Espenido

TOTOO nga kayang mga kapwa niya pulis at mismong gobyerno ang papatay kay P/Col. Jovie Espino na tinaguriang berdugo ng drug lords noong kasagsagan ng kanyang career sa Visaya at Mindanao.

Bakit kaya ganoon na lang ang naging pakiramdam at akusasyon ni Espenido sa gobyerno at sa kanyang mga kabaro gayong ginampanan lang ang kanyang tungkulin bilang isang alagad ng batas.

Nabuo ang paniniwalang ito ni Colonel matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangalan ay isa sa mga opisyal ng PNP na nakatala sa drug watchlist.

Di-kaila sa ating lahat, isa si Espenido sa mga kawani ng PNP na nabigyan ng maraming parangal at papuri dahil sa kanyang outstanding performance bilang isang drug-buster sa mga nasabing lugar.

Isa rin siya sa mga most-decorated at bemedalled na opisyal sa hanay ng pulisya sa buong bansa. Ano kaya ang pumasok sa kanyang isipan nang sabihin niyang mga kapwa niya pulis at gobyerno ang papatay sa kanya?

Mayroon kaya siyang atraso at pagkukulang kung kaya’t ganon katiyak ang kanyang pahayag hinggil sa pangamba sa kanyang buhay? Hindi basta-basta ang ganitong pahayag na para bang sigurado siya sa kanyang akusasyon laban sa kanyang mga kabaro’t gobyerno, bakit kaya?

Naging matunog ang kanyang pangalan nang pasukin niya at ng kanyang grupo ang ang baluwarte ni Mayor Parajinog na namatay ang mismong alkalde, ang kanyang asawa, kapatid at kamag-anak sa umano’y shoot-out, nanlaban, for short!

Bukod dito, lalo siyang sumikat nang mapatay niya ang isa pang Alkalde na kinilalang si Mayor Espinosa na noo’y nakapiit sa provincial jail. Tigbak din si Mayor sa umano’y shootout.

Anyare? Mantakin ninyong sa rami ng jail guards at at personnel sa nasabing jail ay napasok ang alkalde. Bukod sa bantay-sarado ay selyado pa ang lugar ng mga rehas na bakal. He he he…

Ang ibig sabihin nito ay may sariling armas si Espinosa na kanyang naipasok nang ganoon lamang kung kaya’t lumabas ang kanyang naging sandata kung kaya’t nagkaroon ng shootout.

‘Di po ba parang fairy tales at mistulang kuwentong barbero ang kaganapang ito? Mantakin ninyong mapalusot ang baril na parang kendi sa provincial jail, kung kutsara at tinidor nga walang nakapapasok sa nasabing piitan e baril pa kaya.

He he he…

Biruin ninyong ang bidang aktor at direktor dito na si Col. Espenido ay bigla na lang naging kontrabida. Out of the blue ay bigla na lang lumabas ang kanyang pangalan sa drug watchlist ng Pangulong Digong. Mayroon po ba silang ipinagkaiba ng mga personalidad na kanyang itinumba sa sinasabing shootout?

‘Di po ba ang basehan kung kaya’t nasa drug watchlist ang isang indibiduwal ay siguradong may partisipasyon at kinalaman sa kalakaran ng ilegal na droga, saan naman kaya galing ang droga ng mama? Malaking kalokohan naman kung ito ay ibinuga ng bulkang Taal.

Sa kasalukuyan ay malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kanya dahil ang pagkakasangkot umano ni Colonel ay batay sa surveillance ng PNP at DILG na nagsusumite ng kanilang ulat sa Pangulo.

Malupit na ebalwasyon ito sa kanyang katauhan dahil hindi ito basta-basta idinedeklara nang walang sapat na pag-aaral at ebidensiya dahil ito ay isang malakas na dagok at kasi­raan sa sinomang tao, ‘di po ba?

Totoo man o hindi, malaki ang responsibilidad dito ng PNP dahil ito ay base sa kani­lang intelligence gathering na alam nating lahat na ginagastusan nang malaki ng ating gobyerno.

Maselan at sensitibong isyu ito laban kay Espenido, sa kanyang pamilya, sa kanyang mga kaibigan at higit sa lahat sa PNP na kanya rin institusyong iginagalang.

Sa kabilang dako naman, marami ang naniniwalang malaki ang posibilidad na ito ay ‘karma’ siyempre kung may karma ay mayroon din “mantra” na pinaniniwalaang pangontra laban sa karma.

Naniniwala ba kayo rito Col. Espenido?

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *