Saturday , November 16 2024

Pulis-Malabon nabiktima ng ‘basag kotse gang’

NABIKTIMA ng dala­wang hinihinalang miyem­bro ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis matapos matangay ang inisyung baril sa kanya na iniwan sa loob ng saksakyan sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi.

Sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at Ernie Baroy kay Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong 10:00 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., kanto ng Sitio Gulayan, Barangay Catmon.

Nagtungo umano sa Sitio Gulayan si P/SMSgt. Rugene Paule, 43, at P/Cpl. Kirshner Buendia, kapwa naka­talaga sa Station Intel­ligence Branch (SIB), kasama ang kanilang impormante na si Ariston Arceo, sakay ng isang Mitsubushi L300 (XDE312) para magsilbi ng warrant of arrest laban sa mga wanted person sa lugar.

Inilagay ni Paule ang inisyung baril sa driver’s passenger seat ng kanilang sasakyan saka nagtungo sa bahay ng kanilang target habang naiwan mag-isa sa sasakyan ang impor­mante para bantayan ang mga gamit.

Gayonman, dahil nakaramdam ng pana­nakit ng tiyan, umalis ang impormante at iniwan nang walang tao ang sasakyan.

Nang bumalik ng kanilang sasakyan si Paule, natuklasan niyang basag na ang bintana sa driver’s side at nawawala na rin ang kanyang HK 416 Assault Rifle cal. 5.56 at sling bag ng impor­mante na naglalaman ng wallet, P2,000, driver’s license at SSS ID.

Inireport ng mga biktima ang insidente sa pulisya na nagsasagawa ng follow-up inves­tiga­tion sa posibleng pagka­kilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *