NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Vice President Leni Robredo sa pagpanaw ng kanyang inang si Salvacion Gerona.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi matatawaran ang dedikasyon ni Ginang Gerona dahil sa pagiging guro at paghubog sa kaalaman ng ilang henerasyon ng mga kabataan.
Ipinapanalangin aniya ng Palasyo ang kaluluwa ni Ginang Gerona.
Hindi alam ni Panelo kung dadalaw sa burol si Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumanaw si Ginang Gerona kamakalawa sa edad na 83 anyos. (ROSE NOVENARIO)