Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Media ‘di dapat tumestigo sa kaso ng droga — Rep. Rodriguez

NAIS ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na amyendahan ang batas na nag-uutos sa miyembro ng media na mag-testify sa mga kaso ng droga na coverage nila.

Ani Rodriguez, hindi trabaho ng media ang dokumentasyon at tumestigo sa mga kasong isinampa laban sa mga sangkot sa droga.

“Spare media from being forced to testify in court for drug cases,” ani Rodriguez.

Aniya dapat amyen­dahan ang Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagsasa­bing ang miyembro ng midya na kasama ng mga awtoridad sa opersyon sa droga ay pipirma sa inventory ng nga nahuling kontrbando.

“They are also required to testify as witnesses during the hearings of these cases,” ayon kay Rodriguez.

Paliwanag niya, hindi trabaho ng media ang mag-document ng operasyon sa droga at magtestigo rito.

“They are there to cover law enforcement activities, not to par­ticipate in documentation and subsequently in hearings,” giit ni Rodri­guez.

Aniya ilalagay ng batas sa panganib ang mga miyembro ng media na tetestigo sa mga nasabing kaso.

“The accused might get back at them (media) for testifying in their cases,” dagdag ni Rodri­guez.

Nauna nang hiningi ng National Union of Jour­nalists of the Philippines (NUJP) na amyendahan ang nasabing batas.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …