Wednesday , December 25 2024
ombudsman

Mayor, 9 pa kinasuhan ng transport group

SINAMPAHAN na ng kaso ng transport group sa Tanggapan ng Ombudsman ang dating alkalde at mahigit siyam na iba pa dahil sa pangha-harass sa kanilang mga opisyal at miyembro.

Batay sa 12-pahinang reklamo na may petsang 14 Pebrero 2020 na isinampa ng Common Transport Service Cooperative na kinatawan ni Deltha Bernardo bilang general manager, kasama ang board of directors at mga opisyal nito na sina Antonio Managbanag, Jr., Antonio Namatay, William Cruz, Joeje Tubal, Maureen Dionson, Joel Namoro, Ma. Imelda Ferrer, John Pascua, McJohn Gravalos at Ramon Dionson, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 3 (e) at (f) ng Republic Act No. 3019 at grave misconduct, oppression at acts prejudicial to the best interest of the service sina dating Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio Hernandez, Engr. Alexander Almario, Danny Santos, Virgilio Calag, Brgy. Chairman Karen Mae Hernandez, Brgy. Sec. Rose Marie Bayanado, Brgy. Exec. Officer Germogenes Didulo, Erlyn Abrigo, Jojo Brender, Rosanna Brender at ilan pang John Does.

Nakasaad sa reklamo na nag-ugat ang kaso sa sinabing pangha-harass sa kanila ng mga akusado nang lumabas ang kanilang 15 unit ng modern jeep sa ilalim ng PUV Modernization Program ng DOTr.

Aniya, sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakabili sila ng isang lupain na ginawang terminal at garahe sa San Isidro, Rodriguez, Rizal.

May hawak umano silang dokumento, kontrata at titulo ng lupa ng pagmamay-ari nito.

Pinalalabas umano ni Hernandez na pag-aari niya ang ginawang terminal ngunit walang maipakitang dokumento.

Hindi rin umano sila mabigyan ng permit ng kasalukuyang mayor na anak ng dating alkalde.

Idinagdag nito na mas pinaboran ng dating alkalde ang mga colorum na PUV sa Rodriguez.

Napag-alaman, ipinatawag sa munisipyo ang transport group, HOA, mga estudyante at iba’t ibang grupo sa bayan ng Rodriguez para lumagda sa isang manipesto na nagsasaad na hindi sangkot sa droga ang mag-amang Her­nandez.

Matatandaan, ang mag-amang Cecilio at Dennis Hernandez at isang board member ay napasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *