IMINUNGKAHI ni dating Customs Commissioner Titus Villanueva sa isang media forum na baguhin ang sistema ng “processing of imports” sa Customs upang tuluyang maalis o mabawasan ang graft and corruption sa ahensiyang ito.
Ipinaliwanag ni Villanueva na ang kasalukuyang patakaran na pagbababa ng mga kargo bago i-release ay bukas sa ‘kotongan’ dahil ito ay pwedeng hanapan ng violations kahit malinis ang kargo para ibinbin at tubusin ng exporters.
Ayon sa patakaran, ‘exempted’ ang mga legitimate importers sa examination, kaya dapat i-release agad ang kanilang shipment.
Mawawala ang mga anomalyang ito kung deretsong ihahatid ang kanilang kargo at saka bayaran ang duties and taxes kapag nasa kamay na ng may-ari.
Ayon sa patakaran, ang mga shipment lamang ng hindi lehitimong importers ang dapat isailalim sa pagpoproseso, at hindi ang mga lehitimong importer.
(JSY)