Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Century Tuna ni Nadine, project pa ng Viva

NAGBIBIRO lang ba ang Viva Entertainment Group sa banta nilang idedemanda si Nadine Lustre sa ano mang kompanya na kukuha sa kanya para sa isang professional involvement?

Kung saan-saan na naglalabasan ang litrato nina Nadine at Alden Richards bilang endorser ng contest na Century Tuna Superbods 2020 pero wala naman tayong nababalitaan na may ginawa nang legal action ang Viva Group kaugnay ng endorsement job na ‘yon ng aktres na mag-isang nagpahayag na tinapos na nito ang management contract sa Viva Artists Agency.

Pati naman ang mga law office na nagre-represent sa dalawang panig (Nadine at Viva) ay wala ring pahayag tungkol sa pagiging Century Tuna endorser ni Nadine.

Kaya pala ganoon ay matagal nang kontrata ito ni Nadine na napirmahan sa Viva. Naguguluhan lang kami na sinabi kasi noon ng aktres na hindi na siya gagawa ng anumang project mula sa Viva. Siyempre kapag ganoon, kailangang ng mag-react ng legal team ng Viva dahil sila nga ang nag-announce ng paninindigan nila na epektibo pa ang exclusive management contract ni Nadine.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …