Wednesday , December 25 2024

Mula sa PSALM pantugon sa nCoV crisis… Power firm ni Ramon Ang dapat singilin sa P19-B utang

SA HARAP ng ginagawang pag­busisi sa mga onerous contract na pin­asok ng gobyerno sa mga nakaraang adminis­trasyon, hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at pagbayarin ang mga negosyanteng malapit sa kanya na may malaking pagkakautang sa pamahalaan.

Ayon kina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate, makikita ang sinseridad ng adminis­trasyon sa paghabol sa mga tiwali kung maging ang malalapit sa kanila ay pagbabayarin.

Partikular na tinukoy ng Bayan Muna ang bilyonaryong nego­syan­teng si Ramon Ang na ang power firm na South Premiere Power Corp (SPPC), na nangangasiwa sa 1,200 megawatts Ilijan gas-fired power plant sa Batangas City, ay may utang sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) na P19.75 bilyones hanggang noong Disyembre 2018.

Sa report ng PSALM sa Department of Finance (DOF), kasama ang power firm ni Ang at ang 19 iba pang Independent Power Producer Administrators (IPPAs) at electric cooperatives na matagal nang hindi nagbabayad ng kanilang obligasyon na umabot sa kabuuang P59.23 bilyon hanggang noong Disyembre 2018.

Sinabi ni Colmenares, kung naghahanap ng pondo ang gobyerno para tustusan ang kanilang mga pangangailangan, lalo sa pagharap sa banta sa kalusugan gaya ng 2019 novela coronavirus at dagdag na pondo para sa kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkang Taal ay maaaring simulan ito sa paniningil sa mga may utang sa gobyerno.

Matatandaan na ilang negosyante, kabilang sina Lucio Tan at magkapatid na sina Alexander at Caesar Wongchuking ng Mighty Corp, ang nagba­yad ng kanilang utang sa buwis sa gobyerno, ipinasara naman ang kompanyang Philweb ng negosyanteng si Roberto Ongpin habang pinupun­tirya rin ng adminis­trasyon ang ABS-CBN, Ayala Land, DMCI ng mga Consunji, at si Manny Pangilinan ng PLDT ngunit hindi maha­bol ng pamahalaan si Ang na kilalang supporter ng Pangulo.

Giit ng Bayan Muna, habang hinahabol ni Pangulong Duterte ang mga hindi kakamping negosyante ay lumulu­tang naman ang mga bagong mukha na loyal sa kanya, kasama na rito ang Davao-based business­man na si Dennis Uy, na sa unang pagka­ka­taon ay napasama sa Forbes List ng mga pina­ka­mayaman sa bansa sa taong 2019.

Si Uy, kasama na si Ang, ay nakakuha ng malalaking proyekto sa ilalim ng Duterte administration kasama na rito ang sa ‘Build Biuld Build’ program at tele­coms.

HATAW News Team

DUTERTE
NABABAHALA
SA EKONOMIYA
DAHIL SA nCoV

NABABAHALA si Pangu­long Rodrigo Duter­te sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019 novel coronavirus outbreak.

Ayon kay Pre­siden­tial Spokesman Salvador Panelo, ginaga­wan na ng paraan ng adminis­trasyon para matugunan ang naturang problema.

Nauna nang iniha­yag ni Socio Economic Planning Secretary Ernes­to Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawa­wala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa nCov hanggang Disyembre.

Ayon kay Panelo, pursigido ang pamaha­laan na mahinto ang pagkalat ng naturang sakit.

Hindi lamang aniya ang Filipinas ang apekta­do ng nCov kundi maging ang buong mundo.

Sa pinakahuling talaan ng health officials sa China, umabot na sa mahigit 800 ang namatay dahil sa nCoV.

 (ROSE NOVENARIO)

PH HANDA
SA COMMUNITY
TRANSMISSION
NG nCoV
— DOH

NAKAHANDA ang Department of Health sakaling magkaroon ng community transmission ng 2019 novel coronavirus sa bansa, ayon sa Pala­syo.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may sagot na ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kaso ng community transmission.

Sa pinakahuling tala­an ng DOH, umabot na sa 267 katao ang imino-monitor ng kanilang hanay na posibleng tina­maan ng coronavirus.

Ayon kay Panelo, matagal nang handa ang pamahalaan.

Kahapon, dumating sa New Clark City sa Tarlac ang 30 Pinoy mula sa Hubei province sa China kung saan nag­simu­la ang coronavirus.

(ROSE NOVENARIO)

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *