HALATANG iniiwasan na ni Gerald Anderson na mapag-usapan o sumagot na ano mang tanong na may kinalaman kay Julia Barretto. Na-link sa kanya si Julia na sinasabi noong siyang dahilan kung bakit iniwan na lang niya at sukat si Bea Alonzo. Lumabas na napaka-negatibo ng mga balita sa kanilang dalawa ni Julia, kaya nga siguro ayaw na niyang magsalita.
Pero paano nga bang maitatago ang nasabi na noon ni Dennis Padilla na nang mag-usap sila ni Gerald, inamin noon na nanliligaw siya kay Julia?
Hindi basta maitatago iyan sa ngayon. Dapat magpalipas muna sila ng kaunti pang panahon.
HATAWAN
ni Ed de Leon