Wednesday , December 25 2024

PH may 80 PUIs sa nCoV

PUMALO sa 80 pasyente ang ikinategoryang persons under investigation (PUIs) para sa novel coronavirus (nCoV) sa pinakahuling tala ng Department of Health (DoH) kahapon ng  tanghali.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, sa nabanggit na bilang, 67 ang naka-admit at nasa isolation.

Habang ang 10 ay pinauwi na pero estrik­tong mino-monitor ng mga doktor.

Ang tatlo ay kina­bibilangan ng isa sa kauna-unahang namatay dahil sa pneumonia at idineklarang negatibo sa nCoV.

Habang ang dalawa ay kinabibilangan ng magkasintahang Chinese nationals na ang lalaki ay idineklarang kaunahang nCoV death sa labas ng China, habang ang babae na unang idineklarang positibo sa ay  nasa mabuti nang kalagayan, pero nanatiling binabanta­yan sa ospital.

Nalaman rin na kasa­ma sa 80 ang ilang naka­halubilo ng dalawang nagpositibo sa 2019 nCoV at kasalukuyang bina­ban­tayan matapos kakitaan ng sintomas tulad ng lagnat.

Dalawang pagsusuri pa ang daraanan ng baba­eng Chinese bago siya payagang makauwi.

Nilinaw ni Duque, ang nCoV ng dalawang Chinese nationals ay naku­ha sa labas ng Filipi­nas kaya nanatiling zero nCoV pa rin ang bansa.

Sanhi nito, patuloy na nanawagan si Duque na magsanay ng tamang hygiene at huwag ikuskos sa mata, ilong, at bibig kapag marumi ang kamay at ugaliing mag­hugas ng kamay at pana­tilihin ang healthy lifestyle upang makaiwas sa naturang virus.

LABI NG ‘EXPIRED’
NCOV PATIENT SA PH
IKINI-CREMATE
— DOH

SINUNOG ang mga labi ng Chinese na nagpositibo sa 2019-nCoV ARD at namatay sa Filipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, 3 Pebrero.

“Mayroon tayong tinatawag na burial saka ‘yung pangangasiwa ng pumanaw at ng katawan nito… at sa pinakahuling ulat sa akin, ike-cremate,” pahayag ni Duque sa isang panayam.

Dagdag ng kalihim, hindi na maipapasa ang virus mula sa nag-expire na carrier.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Duque, wala pa siyang impormasyon kung ibibiyahe pabalik ng China ang cremated na labi ng pasyente.

Nakikipag-ugnayan na sa Chinese Embassy sa Maynila ang DOH.

Nang tanungin kung bakit tila biglaan ang pagkamatay ng 44-anyos na Tsino, sinabi ng kalihim na mabilis ang pagbaba ng kondisyon ng pasyente mula sa pagiging stable.

“Sudden downturn dahil hindi lang nCoV mayroon ang pasyente. Mayroon din siyang streptococcus pneumonia — ito ‘yung isa sa pinaka­karaniwang sanhi ng pneumonia. Mayroon din siyang influenza virus. Mayroon siyang co-infection,” ani Duque.

“Ito ay imported case. Hindi ito community-transmitted novel coronavirus,” dagdag niya.

Ang nasabing dayu­han ang kauna-unahang namatay sa coronavirus sa labas ng China.

Siya ang partner ng unang kompirmadong kaso ng 2019-nCoV ARD sa Filipinas na 38-anyos babae mula Wuhan, China. Kapwa sila bumi­yahe mula Hong Kong papuntang Cebu noong 21 Enero bago nagtungo sa Dumaguete bago dumating sa Maynila.

Sinabi ni Duque, nasa maayos nang kondisyon ang babae ngunit patuloy pa ring inoobserbahan sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Hindi ito mapapala­bas hangga’t hindi nagnenegatibo sa 2019-nCoV ARD virus.

Sa mahigit 80 persons under investigation (PUIs) sa buong bansa, 24 ang nagnegatibo sa virus, ayon sa kalihim. Hinihintay ang iba pang resulta ng confirmatory tests.

Samantala, pumalo sa 361 ang bilang ng nama­tay sa China sa 2019 novel coronavirus.

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *