NABITIN sa ginagawang pagpaparaos sa sariling sikap ang isang electrician kaya sinapak ang isang pulis na bantay ng kanyang computer shop habang nanonood ng pornographic movie sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Nakapikit at kagat-labing tila maaabot na ni Aldrin Bangayan, 30 anyos, residente sa Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187, Tala ang rurok ng ligaya habang ginagawa ang pagpaparaos sa sarili nang bigla siyang sitahin ni P/Cpl. Tayron Guilot ng Manila Police District (MPD), may-ari at nagbabantay ng computer shop dakong 11:50 pm, kamakalawa.
Nabitin ang pagbulwak ng ligaya na abot-kamay na sana ni Bangayan kaya’t kahit nagpakilalang pulis ang may-ari ng computer shop, hindi napigilan ng suspek ang init ng ulo at matapos sabihin na walang pulis-pulis sa kanya, sinapak agad si Guilot.
Dito nagpambuno ang dalawa hanggang dumating ang mga barangay tanod na hiningan ng tulong ng iba pang customer ng computer shop na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Napagalaman, habang binabantayan ng pulis ang computer shop, isang customer ang nagsumbong sa kanya sa ginagawang paglalabas ni Bangayan ng kanyang ari habang nanonood ng porn movie at sinimulang magparaos sa sarili.
Nahaharap sa patong-patong na kasong direct assault, disobedience and resistance, at paglabag sa PD 969 o Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows sa piskalya ng Caloocan City si Bangayan.
(ROMMEL SALES)