Saturday , November 16 2024
Man wearing gas mask with hands over mouth.

Pekeng balita kumakalat… Don’t panic sa Coronavirus — Garin

NANAWAGAN si dating Health Secretary, Rep. Janette Loreto-Garin na huwag maniwala sa mga pekeng mensahe patungkol sa 2019 novel Coronavirus.

“Keep calm and don’t panic,” ani Garin.

Ayon kay Garin hindi dapat mag-panic ang mga tao bagkus mag-ingat at gawin ang narara­pat  na precautionary measures.

Aniya, kumakalat ang napakaraming mga mensahe sa social media na nagsasabing may Wuhan coronavirus sa mga ospital.

“This is a wrong way to help. Akala ng iba, makatutulong ito ngunit panic po ang nagiging resulta nito. Panic should not have a place during this times,” ayon kay Garin.

Ayon sa dating kalihim, nakadidiskaril sa diskarte ang pagpa-panic dulot ng mga mensaheng gaya nito.

Aniya, ang mga sintomas ng 2019 nCov ay “non-specific and mimics many other respiratory illnesses kaya marami ang puwedeng maging person of interest.

“May protocol na sinusundan ang hospitals and doctors at bawat impormasyon na kaila­ngan malaman ng tao ay agad inilalabas ng ating departamento sa isang presscon na agad namang inilalabas ng iba’t ibang ‘media agencies. Dito tayo makinig at sumu­nod. Huwag maging parte sa pagkakalat ng mga panic triggering mes­sages,”bilin ni Garin.

“Lumalabas din ang mga impormasyon tung­kol sa mortality rate at sa rate of transmission ng 2019 nCoV. Idinidikit ang mga numerong ito sa mga nakababahalng retrato o kaya sa mga click bait headlines para lalong matakot ang mga tao,” paliwanag niya.

Aniya, mas mababa ang mortality rate ng 2019 nCoV kompara sa SARS na 10%. MERS-CoV na 30%, Ebola na 50%. The novel coronavirus’ rate of transmission is about 4%. This is less alarming than that of SARS at 2-5% and measles which is at 12-18%.

Hindi, aniya pinal ang mga numero patungkol dito habang pinag-aaralan ng mga eksperto ang Wuhan coronavirus.

“It is safe to say that we have been through the worse. Hindi nakukuha ang virus na ito sa hangin, unlike measles,” ani Garin.

“Ang kailangan nating lahat ay proper hygiene, tama at madalas na paghuhugas ng kamay at proper disposal of wastes like tissue paper lalo na kung naubuhan or siningahan ito. Kung uubo o babahing, huwag gami­tin ang kamay pangtakip. Gumamit ng tissue, o bumahing sa braso, bandang loob ng siko. Seek early consultation kung may sintomas na naoobserbahan lalo kung may kasamang pang­hihina ng katawan. Proper rest and diet will boost our resistance. For those who are immuno­com­promised (the very young and the very old and those with concurrent illnesses), please avoid crowded areas,” ani Garin. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *