Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aplikante minolestiya ng polygraph examiner

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness ang isang 54-anyos polygraph examiner makaraang isuplong sa Manila Police District (MPD) ng isang 20-anyos aplikante na umano’y pinaghahalikan at niyapos nang isalang ang biktima sa lie detector test sa Ermita, Maynila, noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Marcus Antonious, may asawa, residente sa Lorraine St., Park Way Village, Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Sa ulat, 1:15 pm nitong 21 Enero nang mangyari ang pang-aabusong seksuwal sa biktimang kinilalang si alyas Hanna ng Valenzuela City, sa loob ng polygraph room ng Simon Agriventures Corporation sa Romualdez St., Ermita.

Kabilang umano ang biktima sa mga aplikante sa nasabing kompanya at kasama sa requirements ang pagdaan sa lie detector test kaya silang dalawa lang ng suspek sa isang silid para sa nasabing eksa­minasyon.

Habang pinaliliwanagan ang biktima sa resulta ng polygraph test, ibinigay umano ng suspek ang kanyang mobile phone number at hiningi rin ang number ng dalaga.

Pinipilit umano ng sus­pek na maging mag­kare­lasyon sila at nang hindi nakatiis sa panggigigil, agad hinalikan sa pisngi at niyapos ang biktima.

Nagpumiglas ang bikti­ma hanggang makawala at  humingi ng tulong sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng MPD.

Bandang 4:15 pm nang araw ding iyon, inaresto ang suspek sa nasabing tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa HR Recruitment Officer na si Diana Mondero.

Isa umanong freelance polygraph examiner ang suspek na kinuha ng kompanya ang serbisyo para sa mga aplikante.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …