Thursday , December 26 2024

Sa pakikialam sa kontrata sa tubig… Ph infra projects apektado

MAKASASAMA sa public-private part­ner­ship deals para sa  mga proyektong  pang-impra­estruktura ng bansa ang pakikialam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  water con­cession agreements ng Manila Water Co. Inc., at ng Maynilad Water Services Inc., gayondin ang pagbabanta niya na hindi ire-renew ang prankisa ng ABS-CBN.

Ito ang babala ni Romeo L. Bernardo ng Global Source Partners, country analyst for the Philippines, sa isang emailed report na ipinadala kamakailan.

”The continuing rants cannot but put these business groups in a somber mood, especially given the President’s strong one-sided demands,” nakasaad sa report ng consulting firm.

Tinutukoy ni Bernar­do ang alok ni Duterte na bagong kontrata sa Ma­nila Water at Maynilad, sa kondisyong kapag ti­nang­gihan ng dalawang water firms ang bagong kasunduan ay kakan­selahin ang kanilang umiiral na concessions at magte-take over ang gobyerno sa water services sa bansa.

Nagbanta rin ang Pangulo na kakasuhan ng plunder o economic sabo­tage ang mga nasa likod ng sinasabing onerous water deals na binuo noon pang 1997 (panahon ni Fidel Ramos) na tatagal hanggang 2022 at pinalawig ng MWSS hanggang 2037 noong 2009 (panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo).

Gayonman, binawi ang extension ng con­cession agreement maka­raang matuklasan ang umano’y hindi makata­rungang mga probisyon na nakapaloob dito.

Binanggit din ng analyst ang banta ng Pangulo na hindi ire-renew ang prankisa ng ABS-CBN Corp., na mapa­paso sa Marso.

Sa harap ng mga si­twasyong ito ay nagpa­hayag ng paniniwala si Bernardo na magiging higit na mapagbantay ang mga investor at creditor sa regulatory environment at kalaunan ay maaaring magresulta sa mas mataas na loan rates na mapipilitan ang  parent firms na pumayag sa ‘robust guarantees’ sa kanilang project loans.

Paliwanag ni Bernardo, ang sitwasyong ito ay hindi makabubuti sa public-private part­nership (PPP) projects at maaapektohan ang pagsisikap ng gobyerno na ipatupad ang lahat ng proyektong impraes­truktura sa bansa.

Giit ni Bernardo, kai­langan bantayang mabuti ang political at regulatory risks sa mga pangma­tagalang proyektong pang-impraestruktura.

“Higher risk assess­ments that lead to larger risk premium on lending and/or stronger parent firm guarantees to secure credits would spell bad news for PPP projects and government efforts to build up the country’s infrastructure, something that would extend well beyond the term of this administration,” saad sa report.

Nauna rin nagbabala ang Fitch Solutions Macro Research na ang desisyon ng pamahalaan na bagu­hin ang kontrata sa May­nilad at Manila Water ay maglalagay sa private firms contracting sa gobyerno sa ‘high regulatory risk.’

Nangangamba rin si Bernardo na maaaring magkaroon ng problema ang Maynilad at ang Manila Water sa pagpondo sa ‘future investments’ kapag pinilit na tanggapin ang lahat ng ‘10 o higit pang’ revisions sa bagong  water contract na umano’y pabor lamang sa gobyerno.

“Hence, we cannot totally rule out the dreaded wild card, i.e., nationalization of water distribution services,” aniya.

Ang initial list ng siyam na PPPs mula sa 75 government infras­tructure projects ay gina­wang 26 PPPs mula sa 100, o may karagdagang 17 PPPs.

Ang mga proyektong popondohan sa pama­magitan ng PPP ay mag­kakahalaga ng P1.77 trlyon mula sa P4.2 tril­yon na kabuuang halaga ng flagship project.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *