NAGBIGAY ng tulong ang Chinese Embassy sa pamahalaang lungsod ng Maynila.
Kahapon, Martes ng umaga, natanggap ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang orihinal na 1,000 KN90 face masks para sa mga opisyal ng dahil sa pagbagsak ng abo mula sa bulkan na nararanasan ngayon sa buong Metro Manila.
Gayonman, mas minabuti ng embahada na ipagkaloob ito sa City of Manila.
Natuwa at nagpasalamat si Mayor Isko sa embahada ng China at tiniyak na maipapakalat ito sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.
Ipinag-utos ng alkalde ang agarang pamamahagi sa nasabing donasyon sa mga apektado.